3 Bangkok Shopping Tips According to Vien Velasquez

Sa kanyang bagong Thailand vlog, nagbahagi ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ng tatlong tips para sa mga turistang nagbabalak dumayo at mamili sa Bangkok, Thailand. 

Isa sa mga shopping spots na binisita ni Vien sa nasabing bansa ay ang Chatuchak Market, na kilalang murang bilihan ng mga damit, pagkain, at pasalubong. 

Be diligent in buying clothes

Hindi na nagbaon ng maraming damit si Vien sapagkat inaasahan n’ya ang magagandang damit na mabibili sa Thailand. Nang mag-ikot ang 27-anyos na vlogger sa sa Chatuchak Market ay nagkalat dito ang iba’t-ibang klase ng damit.

Bagamat napansin ni Mommy Vien na mas mahal ang presyo ng mga paninda doon kumpara sa karaniwan, pinili na lang nitong maging masipag sa paghahanap ng mga damit na may magagandang disenyo, tela, at kalidad. 

“Kailangan talagang mabusisi ka lang sa paghahanap ng damit,” ani Vien.

Spoil yourself, but learn to convert

Para kay Vien, ang Thailand ay ang perfect destination upang mamili ng authentic makeup at bags na hindi niya mabibili sa Pilipinas. 

Ayon kay Vien, inuna n’yang bilhin ang mga luxury at branded makeup “kasi ito ‘yung worth the price.”

Pinayuhan din nito ang kanyang mga manonood na siguraduhing abot-kaya ang presyo ng mga bibilhin upang maiwasang sumobra sa budget.

 “Hindi pwedeng hindi magko-convert, baka mabigla ako noh!” dagdag pa ni Vien.

Choose practical souvenirs

Ang mga murang bilihin sa Chatuchak Market ay patok din bilang pasalubong ng mga turista.

Pagiging praktikal naman ang pinairal ni Vien nang nabanggit n’yang hindi na siya masyadong bumibili ng ref magnet bilang pasalubong at sa halip ay pinipili niya ang mga bagay na tiyak na magagamit ng kanyang pagbibigyan.

Samantala, bumili rin si Vien ng Tiger Balm Nasal Inhaler na nagkakahalaga ng 100 to 165 baht na swak na pasalubong para sa mga nakatatanda.

Nakabili rin si Vien ng mga sumbrero para sa asawang si Junnie Boy na nagkakahalaga lang ng P239 para sa dalawa.

Para naman sa kanyang huling payo: “Huwag na kayong pumunta ng Chatuchak Market. Talagang mapapagastos kayo,” biro ni Vien. 

“‘Wag na lang natin isipin ‘yung mga nagastos natin, ang mahalaga masaya tayo!” dagdag pa n’ya.

Watch the full vlog below:


Likes:
0 0
Views:
687
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *