Ibinahagi sa bagong YouTube vlog ng Team Payaman content creator na si Clouie Dims ang kanyang Thailand adventure kasama ang ilan pang Team Payaman girls.
Kabilang na rito ang pagsubok ng iba’t-ibang authentic Thai dishes pati na rin ang ilang tradisyon na nakagawian sa nasabing bansa.
Thai food trip
Base sa pagsasaliksik ni Clouie Dims, parte raw ng kultura ng Thailand ang pagsasalu-salo sa pagkain sapagkat itinuturing na “bad gesture” ang pagkain nang mag-isa.
“Kaya lagi tayong kakain nang sama-sama,” ani Clouie.
Kasama sina Vien Ilagan-Velasquez, Venice Velasquez, at Eve Marie Castro, una nilang nilibot ang Chatuchak Market na kilalang murang bilihan ng mga damit at pati na rin ng mga pagkain.
“‘Yan ang purpose natin dito, mag-explore ng bagong pagkain,” ani Tiyang Venice.
Tinikman ng kanilang team ang sari-saring pagkain sa Thailand gaya ng Roti na nagkakahalaga ng 60 baht; 200 baht na Pork BBQ, 350 baht na Shrimp Fried Rice, 80 baht na Papaya Salad, at iba pa.
Aprubado naman kay Clouie ang higit kumulang na 1,450 pesos na gastos sa pagkain na pwede nang pagsaluhan ng tatlong tao.
Isa pa sa kakaibang karanasan ng grupo ay ang pagkain ng 100 baht Crocodile Grill, na para kay Clouie ay malapit sa lasa ng pritong baboy o manok ng Pilipinas.
“Okay naman siya. ‘Wag mo na lang imagine-in na alligator siya,” sabi ni Clouie.
Maliban sa pagsubok ng mga masasarap na pagkain, ipinamalas din ni Clouie sa Thailand ang kanyang abilidad sa pagbati ng ilang Thai locals at pagtuturo sa kanila ng pagbati ng “Mabuhay”.
Tiyang Venice vlog takeover
Nabanggit ni Clouie na isa sa mga rason kung bakit sila nagpunta sa Thailand ay para ipagdiwang ang kaarawan ni Venice Velasquez, a.k.a Tiyang Venice.
Dito rin pinasubok ni Clouie sa kapatid ni Cong TV ang pagiging vlogger sa pamamagitan ng pagku-kwento sa camera.
Isiniwalat naman ni Tiyang Venice sa kanyang vlog takeover na nilibot nila ang Icon Siam na tinaguriang isa sa pinakasikat na shopping mall sa Thailand.
“Update lang, medyo nao-overwhelm kami. Ang daming nangyayare, ang daming pagkain, ang daming bilihin,” ani Clouie.
Tiyak na kaabang-abang ang susunod pang mga Thailand travel vlog kung saan naman makikitang sumakay ang Team Payaman girls sa dinner cruise.
Watch the full vlog here: