10 Tips When Traveling to Japan With Kids According to Mommy Vien Velasquez

Nagbabalik ang Team Payaman vlogger na si Vien Iligan-Velasquez upang bigyan ng tips ang kanyang kapwa mommies pagdating sa pagbabakasyon kasama ang mga chikiting.

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mommy Vien ang ilang “travel must-haves” at tips na nakatulong sa kanya sa pagbiyahe sa Japan kasama ang anak nila ni Junnie Boy na sina Mavi at Viela. 

Tip 1:  Bring Kids Essentials

Una sa tips ni Mommy Vien ay ang siguruhing dalhin ang mahahalagang gamit ng mga bata gaya ng stroller na tiyak na magagamit sa pamamasyal. Payo nya na magdala ng stroller na naayon sa edad ng mga anak upang mas mapakinabangan ito. 

Tip 2: Check the Weather

Kailangan din aniyang makasiguro kung anong lagay ng panahon sa inyong destinasyon nang sa gayon ay makapagdala ng mga damit na naayon sa klima. 

“Ang pag-prepare mo ng gamit ng mga bata sa mga travel, dapat one month before the travel dapat pulido na yan.”

Tip 3: Make a Checklist

Dagdag pa ni Vien Iligan-Velasquez, gumawa ng checklis para sa mga gamit na dadalhin upang masiguro na walang makakalimutan. 

Tip 4: Bring Medicine Kit

Bagamat walang sakit ang mga chikiting, payo ni Mommy Vien na magdala ng mga gamot in case of emergency. Ibinahagi rin ng 26-anyos na vlogger na nagdala siya ng magkaibang medicine kit para kina Mavi at Viela para hindi siya malito. 

Tip 5: Bring Comfortable Shoes

Mahalaga rin aniya na magdala ng kumportableng sapatos para sa mga bata upang mas ma-enjoy nila ang pamamasyal.

Tip 6: Plan Kids’ Food Ahead

Para sa mga katulad ni Mommy Vien na may anak na 11-months old, payo nito na mamili ng mga pwedeng lutuin upang masiguro ang sangkap ng mga ipapakain sa mga bata.

Tip 7: Don’t Overpack Clothes

Ayon kay Mommy Vien, mas mainam aniya na huwag magbaon ng maraming damit dahil maari namang mamili ng ibang damit sa inyong destinasyon. 

Tip 8: Japan Go-to Places

Ilan aniya sa mga pinaka nagustuhang pasyalan ni Mommy Vien sa Japan ay ang Osaka Aquarium at Nara Park. Kaya payo nya sa mga mommies na bisitahin din ito dahil tiyak na mag-eenjoy din ang mga chikiting. 

Tip 9: Always Bring Passport

Tipid tips naman ang hatid ni Mommy Vien sa payong laging dalhin ang passport sa tuwing mamamasyal sa Japan. Mayroon aniya kasing mga pamilihan kung saan tax-free ang presyo sa oras na ipakita ang iyong passport. 

Tip 10: Basic Manners 

Ibinahagi rin ni Vien Velasquez ang mga na-obserbahan at natutunan niyang kagawian sa Japan gaya ng pag iwas sa pag iingay sa mga pampublikong lugar, pagtapon ng iyong sarili basura, at tamang pag gamit ng chopsticks. 

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
621
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *