Isang magandang balita ang sumalubong kay Cong TV halos isang buwan matapos itong mag desisyon na tahakin ang pagkakaroon ng healthy lifestyle.
Sa kanyang bagong vlog, inamin ni Cong na noong nakaraang buwan ay napag alaman nitong mayroon siyang fatty liver bagamat wala itong nararamdamang anumang sintomas.
Matapos ang higit isang buwan ng pagda-diet at pag-eehersisyo, nagbunga agad ang disiplina ni Cong sa kanyang sarili.
Health check
Ibinahagi ni Cong TV ang tunay na dahilan kung bakit pansamantalang naudlot ang kanyang daily vlogs upang idokumento ang 30-Day Fitness Challenge ng Team Payaman.
Nagkasakit kasi ang panganay nila ng fiance na si Viy Cortez at kinailangan itong dalhin sa ospital upang magpagaling. Pero kahit namalagi sa ospital ay tuloy tuloy pa rin ang disiplina sa pagkain at pag eehersisyo ng batikang vlogger.
Dahil nasa ospital na rin si Cong, sinamantala nito ang pagkakataon na alamin ang kalagayan ng kanyang kalusugan.
Inamin nito na noong nakaraang buwan ay nalaman niyang mayroon siyang fatty liver bagamat hindi ito mahilig uminom ng alak.
“Ito rin yung one of the main reasons kung bakit talaga ako nag-gym. Kasi may problema yung liver ko, hindi naman ako nag-iinom pero may fatty liver na ko,” paliwanag ng 31-anyos na vlogger.
Moment of truth
Agad na ikinonsulta ni Cong TV sa kanyang mga doktor ang resulta ng bagong blood chem at ikinatuwa nito ang natanggap na magandang balita.
“Yung results mo from August to September, ang ganda,” pagbabalita ng doktor ni Cong.
Paliwanag ng doktor, normal na ang resulta ng kanyang mga tests na naging bunga ng higit isang buwan na lifestyle change.
“Okay na lahat, doc? Isang buwan lang!” ani Cong TV.
“‘Di ba sabi ko nga sayo, kasi obese ka, pag nag exercise ka at nag change ka ng diet, baba talaga at bababa,” sagot ng doktor.
Pinuri rin ng kanyang doktor ang effort at disiplina ni Cong at maimpluwensyahan din ang kanyang mga kaibigan sa pagkakaroon ng healthy lifestyle.
“Mahaba pa buhay mo!” pagbati ng doktor.
“I’m so normal, I’m so healthy, I’m so happy!” ani Cong.
Watch the full vlog below: