Bago muling makasama ang kanilang mga fans sa inaabangang Team Payaman Fair Holiday Paawer Up sa Disyembre, sumabak muna sa pang malakasang game show ang buong Team Payaman.
Pero hindi ordinaryong game show sa telebisyon ang sinalihan ng mga ito, kundi ang bagong pakulo ni Viy Cortez na “The Viylage Show.”
Team Congpound
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama-sama ang lahat ng residente sa bawat bahay sa Congpound kung saan naninirahan ang biggest content creator group sa bansa, ang Team Payaman.
Sa pangunguna ni VIYLine CEO Viy Cortez, hinamon niya ang mga Team Payaman sa isang matinding laro na susubok sa talas ng isip ng bawat isa.
Para sa unang episode ng “The Viyllage Show” ay naglaban-laban sa isang game show ang bawat house hold sa Congpound at nahati sa apat na grupo:
- House G – Ang bahay na pinamumunuan nina Cong TV at Viy Cortez.
- House A – Ang tinaguriang Content Creator House,
- House C – Ang tahanan ng Team Giyang (Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez).
- House E – Ang tirahan ng Boss-Madam Family (Boss Keng and Pat Velasquez-Gaspar).
Ang mechanics ng laro ay simple lang, mayroong limang kategoryang pagpipilian ang mga kalahok. Bawat kategorya ay may kaakibat na limang tanong na mayroon ding katumbas na premyo. Sa bawat tamanong sagot ay makukuha ng grupo ang premyo, ngunit bawat maling sagot ay ibabawas sa kanilang naipong puntos.
Ang grupong makakakuha ng pinaka mababang puntos ay tatanggap ng kaukulang parusa.
Team Payaman Game Show
Sinagot ng bawat grupo ang iba’t-ibang katanungan gaya ng “Sino ang most followed athlete on Instagram?”, “Sino ang dating nakatira sa Team Payaman?”, “Ano ang real name ni Cong TV?”, at marami pang iba.
Sa huli ay walang nanalo sa bawat grupo at tinaguriang kulelat ang House A sa dami nang maling sagot. Matapang naman nilang tinanggap ang parusa at isa-isang nagpa-wax sa Congpound.
Watch the full vlog below: