Para sa mas pinalaki at mas pinasayang Team Payaman Fair sa darating na Disyembre, kabilang ang Capinpin Brothers sa mga social media influencers na makakasama natin sa inaabangang holiday bazaar ng taon.
Isa sina Gavin, Allen, at Kelzy Capinpin sa mga vlogger at social media personalities na bibida sa Team Payaman Fair Holiday Paaewer Up sa December 27 haggang 30 sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Ano-ano kayang pasabog ang inihanda nila para sa kanilang mga fans?
Capinpin Brothers
Isa ang Capinpin Brothers sa mga itinuturing na rising stars sa social media sa kasalukuyang henerasyon. Bukod kasi sa pagiging natural na komedyante, patok na patok sa mga manonood ang kwento ng kanilang buhay.
Nakilala sina Gavin o Ser Geybin at mga kapatid nitong sina Allen at Kelzy sa kanilang makukulit na prank videos sa isa’t-isa, na madalas nilang ibahagi sa YouTube, Facebook, at TikTok.
Pero bukod sa katatawanan, mas minahal ng taumbayan ang Capinpin Brothers sa pagbabahagi ng kwento ng kanilang buhay, partikular na ang pagkamatay ng kanilang ama.
Dahil sa kanilang kasikatan at pagiging totoo sa sarili, kaliwa’t kanang endorsement na rin ang kumuha sa magkakapatid.
Capinpin Brothers at TP Fair
Ekslusibong nakapanayam ng VIYLine Media Group (VMG) ang Capinpin Brothers kung saan personal nilang inimbitahan ang kanilang mga fans sa kanilang inaabangang pagdalo sa Team Payaman Fair.
Ayon kay sa panganay na si Ser Geybin, isa sa mga dapat abangan ng kanilang mga taga suporta ang ibebenta nilang produkto na sa TP Fair nila unang ilalabas.
“Dapat niyo pong abangan, kami! Thank you po!” biro ni Ser Geybin.
“Abangan niyo po yung ilalabas namin doon sa mismong event, kung ano yung mga ibebenta namin kasi until now hindi pa namin po yun nailalabas. Kaya feeling po namin doon po yung pinaka unang mabebenta namin,” dagdag pa nito.
Personal din itong inanyayahan ang kanilang mga fans na dumalo sa Team Payaman Fair.
“Guys punta kayo sa TP Fair sa December 27 to 30, iniimbitahan namin kayo. Pero kahit ‘di kayo pumunta don, pupunta kami don! Pero syempre punta kayo don, magkita-kita tayo don and magkulitan tayo don. Ingat kayo parate!”