Vien Velasquez Reveals Real Reason Why She’s Eager to Learn Motorcycle Riding

Bukod sa impluwensya ni Viy Cortez, ibinunyag ni Vien Iligan-Velasquez ang tunay na dahilan kung bakit niya gustong matutong mag maneho ng motorsiklo. 

Matapos ang unang pagsabak sa track ride sa pagtuturo ni Coach Dashi Watanabe ng Watanabe Riding Development, sumabak sa iba pang training si Lady Rider #15 upang hasain ang kanyang motor riding skills. 

Eyes on the Goal

Sa kanyang bagong vlog, sinama ni Vien ang kanyang manonood sa isa na namang parte ng kanyang motor cycle riding journey bilang lady rider ng Team Payaman Moto Club. 

Sa pagkakataong ito, nagmaneho na si Vien ng bigbike sa race track ng Clark International Speedway. 

Inamin din nito ang tunay na dahilan kung bakid pursigido siyang matutong mag motor at maging safe sa pagmamaneho. 

“Masyado ko nang pinupuso ‘to kasi alam nyo magja-Japan kami, ngayon sabi ni Daddy (Junnie) hindi niya ako papayagan pag hindi ako nag-aral ng 14-sessions sa Moto Clyde,” paliwanag ni Vien. 

“Para makasama ko mag motor sa kanya, kasi gusto kong aralin mag motor kasi gusto ko mag motor sa Japan,” dagdag pa nito.

Niliwan din ni Vien na kusang loob ang pagnanais nyang matutong mag motorsiklo at hindi ito pinipilit ng kahit na sino, lalo na ng asawang si Junnie Boy

“Ang galing noh? Ang saya palang gawin ang mga bagay kasama ang family mo!” ani Vien. 

More driving lessons

Sunod na sumabak si Vien Iligan-Velasquez sa on-road, off-road, at synchronized riding lessons sa Moto Clyde Training Center. 

Sinabayan din siya sa pag-eensayo ni Junnie Boy bagamat mas malawak na ang kaalaman nito pagdating sa pagmomotorsiklo. 

Bagamat ilang beses na natumba si Vien sa kanyang motor, hindi pa rin ito sumuko at puspusan ang pag-eensayo sa kagustuhang matuto. 

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
638
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *