What it’s like living in Japan, according to Viy Cortez?

Sa pagpapatuloy ng Japan travel vlog series ni Viy Cortez, ibinahagi nito ang huling tatlong araw nang bakasyon nila sa “The Land of the Rising Sun.”

Matapos mamasyal at isagawa ang kanilang pre-wedding photoshoot ni Cong TV sa Japan, sinulit nina Viviys ang kanilang bakasyon sa pamamagitan ng pamamalagi sa isang rental home. 

Hotel vs. Home Rental

“So titignan natin mga Viviys kung ano ba ang feeling pag dito na kami nakatira ni Cong at ni Kidlat,” bungad ng 26-anyos na vlogger sa kanyang bagong vlog.  

Kung noong una ay namalagi sa mga hotel ang pamilya, sinubukan naman nila Viy Cortez na magrenta ng isang vacation home. 

Payo ni Viviys sa mga nais mag bakasyon sa Japan, mas mainam na mag book ng mga rental home kumpara sa hotel. 

“Kasi naka ilang hotel kami and pricey siya,” kwento ni Viviys. 

Binigyan din nito ang mga manonood ng munting house tour sa tinutuluyang 3-storey apartment, kung saan makikita ang living area, kitchen, at dining area sa unang palapag, mga kwarto at tulugan sa ikalawang palapag, at ang tambayan sa roof deck.

Living in Japan

Bagamat sa tingin nya ay kakayanin nilang mag bakasyon sa Japan nang mahabang panahon, hindi aniya nito nakikita ang sarili na manirahan sa nasabing bansa.

“Kung titira kami ni Cong dito magwo-work ba? Magwo-work siya ng mga ilang buwan lang,” ani Viviys.

“Feeling ko iba pa rin sa Pilipinas, gamay mo na doon eh!” dagdag pa nito.

Kwento pa ni Viy, sobrang nag-enjoy siya sa higit isang buwan nilang pamamalagi sa Japan. Pangarap din daw niyang magkaroon ng sariling bahay bakasyunan sa Japan kung mabibigyan ng pagkakataon. 

Samantala, sinulit din ni Viviys ang pagkakataon na makapagluto ng mga pagkaing Pinoy sa kanilang rental home. 

“Nakakaumay din kapag mga ramen kasi mga ilang araw ramen kinakain namin, masaya naman! Pero yung ika-ten days na?” biro pa nito. 

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
568
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *