WOW: Viy Cortez Shows Off Post-Pregnancy Figure, Here’s Her Secret

Hindi napigilan ng netizens na mapa-wow sa new look ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez dahil sa kapansin-pansing kabawasan sa kanyang timbang. 

Kaliwa’t-kanan ang tanong ng sambayanan kung ano nga ba ang sikreto ng 27-anyos na first-time mom at entrepreneur sa kanyang post-pregnancy glow up.

Viviys, How To Be You?

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na patuloy ang pagbabawas ng timbang ni Viy Cortez matapos ipanganak ang panganay na si Kidlat noong nakaraang taon.

Kamakailan lang ay usap-usapan sa social media ang makalaglag pangang post-pregnancy figure ng VIYLine CEO. Napansin kasi ng lahat ang malaking naibawas sa timbang nito simula nang magtungo sa Japan para sa kanilang pre-wedding photoshoot.

Samantala, sa nagdaang anibersaryo ng Luxe Beauty and Wellness Group, ibinahagi ni Viy Cortez sa Pep.PH na umabot ang timbang nito sa mahigit 90 kilos noong ipinagbubuntis pa si Kidlat. 

Kwento pa sa first-time mom, aabot na sa higit 33 kilos ang naibawas nito sa kanyang timbang. Ikinagagalak din ni Viviys na ilang kilo na lang ang kailangan niyang ibawas upang maabot ang target weight. 

Inamin ni Viy na isa sa mga rason ng kanyang pagpapapayat ay ang paghahanda para sa nalalapit na kasal sa longtime boyfriend at kapwa vlogger na si Lincoln Velasquez, a.k.a  Cong TV.

“My goal kasi ako… ang goal ko sana mga 55 kilos, ganyan nasa 65 pa ata ako ngayon. E, one year pa naman [bago] ang kasal sana makaya kong ma-achieve,” ani Viy. 

Kaya naman ang tanong ng bayan, “Viviys, how to be you po?”

The Secret Revealed

Sa kanyang bagong Facebook post, ibinahagi ni Viy Cortez na kasama nito ang pinakabagong Luxe Slim Matcha Latte sa kanyang weight loss journey.

Gaya ng inaasahan, inulan ng mga positibong komento at papuri ang soon-to-be-wifey ni Cong TV dala ng kanyang mala-teenager na post-pregnancy look. 

Angelove Bets: “Absolutely gorgeous! When kaya me?”

Sherlina Pinos Zapico: “Hala kala ko si Yiv! Absolutely gorgeous!”

Hindi rin napigilan ng Luxe Beauty and Wellness Group CEO na si Anna Magkawas na ipahatid ang kanyang papuri sa kapwa CEO at endorser na si Viy Cortez.

Anna Magkawas: “Grabe naman!!! LuxeSlim baby ‘yan! Nakakaproud naman, Viy Cortez!”

So ano nga ang sikreto?

Bukod sa pagbabawas nito sa pagkain ng kanin at matatamis na pagkain, isa aniya sa mga nakatulong sa kanyang pagpapayat ay ang mga produkto ng LuxeSlim. Kabilang na dyan ay ang Luxer Slim Caffé Macchiato, Caffé Turmerico, Cucumber & Dalandan, 4 Seasons Beauty Juice, at maging ang bagong Matcha Latte. 

Kung nais niyo rin simulan ang iyong weight-loss journey kagaya ng hot momma na si Viviys, subukan na ang kakaibang epekto ng LuxeSlim drinks na mabibili sa LuxeSlim by VIYLine

Manatiling nakatutok sa opisyal na TikTok Shop, Lazada, at Shopee ng VIYLine kung nais masubukan ang sikreto ng nag-iisang Viy Cortez sa kanyang sexy figure!

Maari rin kayong bumisita sa VIYLine Showroom na matatagpuan sa Block 20 Lot 6 San Agustin Road, San Agustin Village, Brgy. San Francisco, Biñan City, Laguna.

Yenny Certeza

Recent Posts

Buy 1 Item, Get Another For Only PHP 1 With Viyline’s 12.12 Piso Deals!

What better way to celebrate the Christmas season than by embracing the spirit of giving.…

13 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Aaron Oribe and Roy Aguilo’s Inspiring Stories After ‘Istasyon’ Vlog

Isang makabuluhang episode ang hatid ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez sa kanyang…

13 hours ago

YNO Turns Heads With Their Live Wish Bus 107.5 Performance of ‘Because’

Nag-iiwan ng kilig ang bandang YNO nina Yow Andrada matapos nilang ihataw ang kanilang kantang…

2 days ago

Dudut’s Pasta Adventure: Filipino Flavors Meet Italian Classics

Isa na namang masayang cooking serye ang hatid ng Team Payaman cook na si Jaime…

2 days ago

Zeinab Harake-Parks and Belle Mariano Take on UP Street Food Eating Challenge

Isang masaya at nakakabusog na vlog collaboration ang hatid ng social media star na si…

3 days ago

Tita Krissy Achino Shares the Truth Behind Her Impersonation Career with Toni Fowler

Sa pinakabagong episode ng Fowler’s Position, tampok ang Team Payaman member na si Tita Krissy…

7 days ago

This website uses cookies.