Vien Iligan-Velasquez Starts Motorcyle Riding Journey as Lady Rider #15

Kumpirmadong laganap na ang epidemiya ng pagmomotorsiklo sa Team Payaman matapos maimpluwensyahan pati ang mga kababaihan sa grupo. 

Kamakailan lang, inumpisahan ni Viy Cortez na pag-aaral na mag motorsiklo, sinundan naman ito ng surpresang bagong motor ni Boss Keng sa kanyang misis na si Pat Velasquez-Gaspar

Kaya naman, hindi nagpahuli si Vien Iligan-Velasquez at sinimulan na rin ang pag-eensayo sa pagmamaneho ng motorsiklo. 

Riding Lessons

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Mommy Vien ang kanyang journey bilang Lady Rider #15 ng Team Payaman Moto Club. 

Sinimulan ng 26-anyos na vlogger ang kanyang riding journey sa pagbili ng riding suit at safety gears upang masigurong ligtas ang kanyang pag-eensayo. 

“Dati bathing suit lang, ngayon motor suit na!” biro ni Vien. 

Sunod naman itong sumabak sa pangmalakasang riding lessons sa tulong ni Coach Dashi ng Watanabe Riding Development (Riding School) na naging riding coach din ni Viy Cortez.

“So guys first day ni Vien kasi inengganyo ko siya. Sabi ko para dalawa kaming magpa-practice,” ani Viviys. 

“Feeling ko magpapabili ako ng scooter kay Jun,” ani Vien matapos ang unang tagumpay na pag ikot sa race track. 

“Ang pangalan ko Mommy Moto!” dagdag pa nito. 

Matapos ang tagumpay na pag eensayo sa race track, sumabak naman sa iba pang riding skill training si Vien sa MotoClyde Training Center sa Santo Tomas Batangas. 

“Ang MotoClyde ay isang motorcycle training center kung saan matututo ka ng iba’t-ibang skills na pwede mong gamitin sa pagmomotor sa streets or sa road,” paliwanag ni Aaron Macacua, a.k.a Burong

Lady Rider #15

Matapang na hinarap ni Vien ang iba’t-ibang hamon sa riding school at masayang natuto ng mga basic technique sa pagmamaneho ng motorsiklo. 

Ipinagmalaki rin ni Vien na nasubukan nitong mag “one hand driving” habang nag-eensayo. 

“So first session pa lang ‘to, hindi ako agad pwedeng magyabang, wala pa, safety pa lang yon!”

Proud husband naman ang peg ni Junnie Boy nang makita ang mabilis na pagkatuto ni Vien sa pagmomotorsiklo. 

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
1720
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *