Muling nagbabalik sa paggawa ng vlog ang Team Payaman content creator na si DaTwo Velasquez. Ito na kaya ang hudyat para makasama niya ang grupo sa Congpound?
Halos isang taon na ang nakakalipas nang iwanan ni DaTwo ang Team Payaman upang pagtuunan ng pansin ang kanyang pag-aaral. Kinailangan lisanin ng pinsan ni Cong TV ang Payamansion dahil balik face-to-face classes na siya sa kanyang kursong dentistry.
Student journey
Sa kanyang bagong vlog, ipinaliwanag ni DaTwo sa kanyang mga manonood kung bakit pansamantala itong natigil sa paggawa ng vlogs.
Bukod sa pagtutok sa kanyang pag-aaral, inamin ni DaTwo na nawalan siya ng gana gumawa ng vlogs simula nang umalis sa Payamansion.
“Nawala yung drive ko sa vlogging and I strongly admit simula nung umalis ako ng Payamansion, nag-iba yung takbo ng buhay ko,” kwento ni DaTwo.
“Dahil sa kursong pagdedentista, I have to take care of my wellness, my mental health. Kailangan kong lumaban kahit umaayaw na ang katawan ko,” dagdag pa nito.
Dahil malapit na rin siyang matapos sa kolehiyo, pinayuhan ni DaTwo ang mga nais mag dentista na pag isipan mabuti ang tatahaking daan.
Aniya, hindi ka lang dapat matalino kundi matiyaga kung nais mong mag dentista.
“Madami nga pala ulit akong nakilala, kinabisado, tinandaan, mga ngipin na binunutan, mga ngipin na tinapalan, este pinastahan, at higit sa lahat madami ulit akong natutunan.”
The Greatest Comeback
Sa kabila ng pagiging abala, sinubukan pa rin ni DaTwo na dumalaw sa Congpound at makasalamuha ang Team Payaman fans sa nagdaang Team Payaman Fair.
Ayon kay DaTwo, sa pagpunta niya sa TP Fair ay naramdaman niya ang suporta at pagmamahal ng tao sa Team Payaman.
“Kumbaga sa pagkain, kami yung kanin, sila yung ulam. Doon ko naramdaman na mahal na mahal na mahal kami ng Team Payaman fans, kaya namimiss ko na sila.”
Watch the full vlog below: