Netizens Applaud Team Payaman’s Carding for Sharing Trivia Alongside Moto Vlogging

Ikinatuwa ng netizens ang pagbabahagi ng kaalaman ni Carding Magsino kasabay ng kanyang unang moto vlogging content. 

Sa kanyang bagong YouTube video, hindi pinalampas ng resident physical therapist ng Team Payaman ang pagkakataon na ibahagi ang ilang kaalaman tungkol sa makasaysayang Manaoag Church. 

Manaoag Trivia

Kamakailan lang ay biyaheng Pangasinan ang ilang miyembro ng Team Payaman Moto Club. Binisita nila ang dinarayong Manaoag Church na isa sa mga pinaniniwalaan milagrosong simbahan sa Pilipinas. 

Bukod sa pagpapasilip ng naging road trip kasama ang tropa, nagbahagi rin si Carding Magsino ng ilang kaalaman tungkol sa binisitang simbahan. 

“Itinatag ito noong 1605 ng mga paring Dominikano, mahigit 400 years na rin ang nakalipas,” ani Carding.

“Taong 2015 naman noong nai-proclaim ito ng Vatican bilang Minor Basilica,” dagdag pa nito. 

Aniya, ang titulong “Minor Basilica” ay iginagawad lang sa mga simbahang may mayayamang kasaysayan tulad ng Manila Cathedral at Minor Basilica of Sto. Niño sa Cebu.

Tanging ang Santo Papa lang din aniya ang may karapatang maggawad ng nasabing titulo sa kahit anong Simbahang Katoliko.

Ayon pa sa “Walking Encyclopedia” ng Team Payaman, ang Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag ay itinuturing ding “pilgrim of the north.”

“Dahil mayaman ito sa kasaysayan at maraming deboto rin ang nakaranas ng milagro dahil sa pagsisimba at pamamanata sa simbahan na ito.”

Umani naman ng papuri mula sa netizens ang nasabing vlog. Humanga ang mga ito sa mga natutunang kaalaman mula kay Carding.

@jencydaugdaug8124: “May matututunan talaga sa bawat content mo lods! Keep it up and ride safe sa inyo!”

@nerwinpablo3796: “Kaalaman habang nag momotor.”

Road Mishap

Samantala, sa nasabi ring vlog ay ibinahagi ni Carding ang aberyang sinapit nila dahil sa problema ng motorsiklo ng kapwa vlogger na si Dudut Lang

Minabuti ng grupo na iwan na lang ang motorsiklo ni Dudut para sa kaligtasan nito at ng buong tropa. 

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
787
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *