Dudut Lang Cooks With Actor Jairus Aquino in New Episode of ‘Dudut’s Kitchen’

Nagbabalik ang cooking show segment ni Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, sa kanyang vlog na binasagan nitong “Dudut’s Kitchen.”

Tampok sa bagong episode ng Dudut’s Kitchen ang kaibigan nitong artista na si Jairus Aquino. Kilala si Jairus bilang child actor na sumikat sa kanyang karakter bilang Pareng Jomar sa 2006 serye na “Super Inggo.”

Nagsanib pwersa ang dalawa sa pagluluto ng Crispy Pata at Tokwa’t Pata, na ayon ka Dudut ay kabilang sa mga paborito nyang i-order sa tuwing kakain sa mga restaurant.

Ibinida rin ni Dudut ang personalized kitchen knife na regalo sa kanya ni Jairus mula sa Wok Bang.

Acting 101

Dahil kilala sa kanyang propesyon bilang aktor, hindi pinalampas ni Dudut ang pagkakataon na magpaturo ng ilang acting tips kay Jairus Aquino.

Habang nasa gitna ng pagluluto,  unang binusisi ni Dudut Lang kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging “method actor.”

Ayon sa 24-anyos na aktor at ngayon ay ganap na ring businessman, ang method acting ay ang pagsasapuso ng gagampanang karater sa pelikula o serye.  

Dagdag pa nito, hindi lahat ng artista ay kayang umiyak on cue at may sariling estilo ang mga ito kung papaano humuhugot ng emosyon na kailangan sa eksena. 

Tinuruan din ni Jairus si Dudut ng iba’t ibang emosyon na ipinapakita sa audition para sa pagiging aktor.

Samantala, inamin din ng aktor na hindi talaga nya gustong mag audition noon para sa Super Inggo pero nakuha pa rin nito ang role. 

Habang hinihntay maluto ang Crispy Pata at Tokwa’t Pata, sumabak din sa acting skit ang dalawa.

Nagbatuhan sila ng ilang linya para sa mini-skit na “Ang Paborito kong Lato-Lato” kung saan ipinamalas ng dalawa ang kanilang acting skills.

Matapos ang masayang pagluluto at kwentuhan ay sabay-sabay tinikman ng tropa ang inihandang putahe ni Dudut at Jairus. 

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
853
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *