Team Payaman Moto Club Goes on a Safety and Advanced Riding Skills Training

Sumabak sa isang intense safety riding skills training ang ilang miyembro ng Team Payaman Moto Club upang mas maging ligtas sa kanilang mga biyahe. 

Sa panibagong episode ng “Pinayagan ni Misis” series ni Awi Columna sa Facebook, ibinahagi nito ang naging training course ng grupo kasama sina Adam Navea at Jaime De Guzman, a.k.a Dudut Lang

Ride safe

Dumayo ng Batangas ang ilang miyembro ng Team Payaman Moto Club upang sumailalim sa isang dibdibang training sa pagmamaneho ng motorsiklo. 

Sa tulong ng Syder Philippines, sumailalim sa “Safety and Advanced Riding Skills Training” ng MotorClyde Training Center ang grupo. 

Ang Training Director na si Coach Clyde mismo ang namuno sa naging pagsasanay nina Awi, Dudut, at Adam. 

Unang ipinaalala ni Coach Clyde sa grupo ang importansya ang pagkakaroon ng motorcycle safety checklist. 

Dito papasok ang tinaguriang TCLOCS kung saan kailangan suriin ang Tires, Controls, Lights, Oil, Chassis, at Stand ng motorsiklo bago bumiyahe. 

“Kung weekend rider ka, 2 weeks before i-check mo yung motor mo,” bilin ng beteranong training coach. 

Kabilang sa mga basic riding skills na itinuro ni Coach Clyde sa grupo ay ang slow riding, counterbalancing, slow turns,  riding uphill, at off-road riding.

Habang nasa gitna ng training ay agad ding ibinahagi ni Awi ang isa sa kanyang mga natutunan. 

“Kung ang counter steering ay effective sa mabilis na likuan, sa mabagal naman mas effective ‘tong counter balancing, kung saan ilalagay mo yung weight ng katawan mo kontra sa direksyon kung saan ka liliko,” paliwanag ni Awi.

“Pero opinyon ko lang yon, based lang yon sa na-experience ko dito. Kaya kung mali man ako, walang kinalaman yung Motor Clyde sa pinagsasabi ko,” dagdag  nito. 

Sumabak din sina Awi, Dudut, at Adam sa off-road riding upang makapag ensayo sakaling muli silang mag Moto Camping adventure. 

Ayon kay Awi, sobrang sulit ng nasabing training course dahil sa dami nang natutunan niya sa kabila ng tagal nitong karanasan sa pagmamaneho ng motorskilo.

Watch the full vlog here: https://fb.watch/lq7baxSwCZ/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *