TP Motoclub New Member: Junnie Boy Introduces New Ride Buddy

Matapos mag-upgrade sa bagong motorsiklo, nabigo si Junnie Boy na masubukan itong ipasyal gamitin agad dahil busy ang kanyang mga kapwa riders sa Congpound.

Dahi dito, ipinakilala ng 28-anyos na vlogger ang kanyang bagong ride buddy na kalaunan ay magiging bagong miyembro na rin kaya ng Team Payaman Moto Club?

New Baby

Matapos ibenta ni Vien Iligan-Velasquez ang Kawazaki ZX4RR ni Junnie Boy, ipinasilip nito sa kanyang bagong vlog ang bagong biling BMW GS1250 na nagkakahalaga lang naman ng tumataginting na P800,000.

Naglakas loob si Junnie na ayain ang kapwa TP Moto Club members sa isang quick ride ngunit nabigo ito dala ng pagiging busy ng bawat isa.

“Puyat ako par, hindi ako pwedeng sumama,” sagot ni Bok.

“Lahat sila wala!” dismayadong salaysay ni Junnie.

New Ride Buddy

Dahil walang naaya si Junnie, naisipan nitong i-ensayo ang panganay na anak na si Mavi sa pagbibisikleta at magkasamang nag-ikot sa kanilang subdivision.

“Ayan guys nakahanap na tayo ng kasama sa ride natin for today’s video! Makakatanggal na rin ng kati! Ang kasama natin ay si… Mavi!” 

Dala ang kanyang bagong bike, kumpleto rin ang safety gears ni Mavi upang masigurong ligtas sa kanyang ride. 

Nagkaroon ng tinatawag na “Subdivision Loop” ang mag-ama dahil ayon kay Junnie, nais nitong mabigyan ng oras ang anak habang ginagawa ang kanyang kinahihiligan.

“Ipapa-experience ko lang kay Mavi na masamahan niya ako ng ride. Kasi kami yung tatay namin hindi na namin makasama kasi hina-highbood na yun, baka mamaya sa daan ma-high blood,” paliwanag ni Junnie. 

“Ako habang bata pa, makasama na ako ng anak ko mag-ride,” dagdag pa nito.

Naging matiyaga rin si Junnie sa pagtuturo ng tamang pagmaneho at basic road safety techniques kay Mavi. 

“Boom iwan!” biro ni Mavi matapos nitong maunahan ang kanyang Daddy.

“Are you having fun? Mavi, are you having fun?” tanong ni Daddy Junnie.

“Yes!” sagot ni Kuya Mavi.

Matapos ang pag-iikot sabay na nagpahinga at nagmeryenda ang mag-ama matapos makaramdam ng pagod.

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

3 hours ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

10 hours ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

1 day ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

2 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

2 days ago

VIEN DIARIES: Vien Iligan-Velasquez Takes Viewers To A Quick Pickleball Serye in Cebu

Isang Cebu adVIENture ang hatid ni Vien Iligan-Velasquez matapos nilang dumayo sa nasabing probinsya upang…

2 days ago

This website uses cookies.