Masayang ibinahagi ni Viy Cortez sa kanyang mga manonood ang ilang kaganapan sa likod ng kanilang bakasyon sa Taiwan.
Pero lingid sa kaalaman ng lahat, bukod sa pamamasyal ay hinarap din nina Cong TV at Viy ang isang pagsubok habang nasa ibang bansa. Ito ay matapos magkasakit ang kanilang unico hijo na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat.
Kaya naman hatid ng 26-anyos na vlogger ang ilang sa mga natutunan nya matapos maranasang magkasakit ang anak habang nasa bakasyon sa ibang bansa.
Team Payaman in Taiwan
Sa kanyang bagong vlog, sinabi ni Viy Cortez na sumama silang mag-ina kay Cong sa Taiwan kung saan may nakatakdang trabaho ang kanyang fiance.
Kasama rin nila ang ilang Team Payaman members gaya nina Junnie Boy, Boss Keng, Pat Velasquez-Gaspar, Yow Andrada, Carlo Santos, at Ephraim Abarca.
Pero bukod sa trabaho ay sinamantala na rin ni Viviys ang pagkakataon upang makapag shopping at mag couple photoshoot sa magagandang tanawin sa Taiwan.
Health Challenge in Taiwan
Sa gitna ng masayang bakasyon ay isang pagsubok naman ang hinarap nina Mommy Viy at Daddy Cong matapos magkasakit si Kidlat.
Dahil malayo sa kanilang pediatrician, minabuti ng mag-asawa na sunding ang payo nito na ipatingin sa doktor ang anak upang malunasan ang kanyang sakit.
Ibinahagi rin ng first-time mom ang kanyang natutunan sa nasabing karanasan.
“Ang pinaka maganda nyong gawin guys is lahat ng gamot dapat may dala kayo pagdating sa ibang bansa. Nagkataon lang na yung kaisa-isang gamot na antibiotic hindi kami nakabili sa Pilipinas,” ani Viy Cortez.
“Pag nagkasakit yung anak mo dito (ibang bansa) talagang panic mode kasi para kang hopeless. Hindi kayo masyado magkaintindihan tapos di mo alam kung saan yung ospital, di ka maintindihan ng mga taxi,” dagdag pa nito.
Paliwanag pa ni Viy, napag alaman na tinamaan ng Influenza A & B si Kidlat, na ayon dito ay normal na ubo at sipon lang naman. Agad din naman aniyang nabigyan ng lunas ang kanyang panganay at mabilis nakarecover.
“Alam mo ngayong na-experience ko siya na nandito sa ibang bansa nagkasakit si Kidlat, medyo nawala yung takot ko na tuwing pupunta kami sa ibang bansa, in case mangyari man ulit, knock on wood, hindi na ko matatakot kasi alam ko na yung gagawin. At okay din na magpa-check up dito.”
Watch the full vlog below: