How Team Payaman Moto Club Made the Most of Their Communication Gears?

Isang malayo ngunit masayang road trip ang ibinahagi ni Team Payama member Michael Magnata, a.k.a Mentos, sa kanyang bagong YouTube vlog.

Kasama ang buong Team Payaman Moto Club at Y Kulba, tinahak ng grupo ang kanilang destinasyon, ang probinsya ng Bataan.

Sinimulan ng tropa ang kanilang paglalakbay sa isang panalangin upang hingin ang patnubay, gabay, at kaligtasan mula sa Maykapal.

Isang masarap, malinamnam, at nakabubusog na tanghalian naman ang kanilang pinagsaluhan nang makarating sa Subic.

Pansamantalang nag stop over ang grupo ng riders upang makapagpahinga at makapaghanda sa kanilang susunod na paglarga.

Matapos marating ang kanilang destinasyon, tunay na napawi ang kanilang pagod dahil sa mga magagandang tanawin na hatid ng Bataan. 

Communication is the key

Bukod sa mga safety gears at kundisyon na mga motorsiklo, siniguro rin ng TP Moto Club na sila ay alisto at alerto sa mga mahahalagang paalala at pag-iingat habang nasa daan.

Habang umaarangkada, pinanatili nila ang kanilang koordinasyon sa pamamagitan ng pagbibigay babala at impormasyon sa mga maaari nilang makasalubong o makasalamuha sa kalsada.

“Sasabihin ko ulit pag clear,” pangunguna ng Team Payaman Moto Club Chairman na si Cong TV. 

Kumpara sa ibang motorista, may sariling pamamaraan talaga ng paggamit ng communication gear ang TP Moto Club.

Bukod kasi sa pagbibigay ng babala at paalala sa isa’t-isa, ginagamit din nila itong paraan upang magkulitan habang nasa biyahe.

“So, ayun guys, naipakita ko kung gaano kami kakulit pag nagko-comms,” bungad ni Mentos.

“Kung yung sa ibang rider, sobrang specific nila habang nagbabato ng info, sa amin hindi talaga siya uubra,” dagdag pa nito.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
551
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *