Kamakailan lang ay naging usap-usapan sa social media ang ginawang pagbebenta ni Vien Iligan-Velasquez ng motorsiklo ng kanyang asawang si Junnie Boy.
Sa kanyang bagong vlog, inamin ng 26-anyos na vlogger ang dahilan sa likod ng nasabing “for sale” post na inulan ng sari-saring reaction mula sa netizens.
For sale: Kawazaki ZX4RR
Ayon kay Vien, nagsimula ang lahat nang ipost nya sa Facebook na ibinebenta ang motorsiklo ni Junnie Boy. Pero imbes aniya na makabenta agad ay tila hindi siya sineseryoso ng mga tao.
“Ang nakakatawa dito, akala ko wow reacts yung makikita ko sa Facebook dahil binebenta, ang ganda ng motor,” ani Mommy Vien.
Sa halip ay libo-libong laugh reacts aniya ang natanggap ng nasabing post.
“Lahat sila natatawa! Ano’ng nakakatawa sa binebentang motor? Akala nila hindi seryoso na binebenta ko!” dagdag pa nito.
Nilinaw din ni Vien ang maling akala ng publiko na nagiging kontrabida ang mga misis ng Team Payaman boys sa pagmomotorsiklo ng mga ito.
“Ang hindi nila alam, ang unang motor ni Jun-Jun NMAX, sunod TMAX, sunod ZX4RR. Mukha pa ba akong kontrabida don? Mali na nga yon eh! Bisyo yon,” biro ni Vien.
Inilahad din nito ang tunay na dahilan kung bakit siya nag desisyon na ibenta online ang naturang motorsiklo.
“Sa sobrang pagmamahal ko sa asawa ko, kaya ko binenta yan para mag-upgrade siya!” sabay halik sa kanyang mister.
The serious buyer
Pero sa kabila ng kalokohan ng mga netizen, nakahanap si Vien ng isang taong sumeryoso sa kanyang post at interisadong bilhin ang nasabing motor.
Ipinakilala ni Vien sa publiko ang bagong may ari ng motor na agad pumunta sa Congpound upang kunin ang dating motorsiklo ni Junnie Boy.
Kwento ni Vien, noong una ay duda pa siya sa intensyon ng buyer dahil baka pina-prank lang siya nito. Ngunit sa huli ay nagkasundo sila sa presyo at tuluyan nang napunta sa kamay ng bagong may-ari ang Kawazaki ZX4RR ni Junnie Boy.
Watch the full vlog below: