Isang kakaibang moto vlog ang hatid sa atin ngayon ni Team Payaman content creator Junnie Boy. Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinama tayo ni Junnie sa isa sa kanyang mga rides kasama ang tropa.
Sa kanyang bagong vlog, kakaibang trip ang naisip ni Junnie upang maibsan ang pangungulila nito sa pagmomotorsiklo.
Stoplight challenge
“Totoo pala ang sinasabi nilang kati ng motor,” ani Junnie Boy na tila gustong gusto nang muling imaneho ang kanyang motorsiklo.
Dahil higit dalawang linggo na aniya siyang hindi nakakapag motorsiklo, naisip ni Junnie Boy ang isang challenge.
Niyaya nito ang mga kaibigan na sina Carlos Magnata, a.k.a Bok at Carding Magsino sa isang quick ride sa Daang Hari.
Pero hindi lang basta-basta pamamasyal ang pakay ng tropa, hinamon din sila ni Junnie Boy sa isang misyon na bilangin lahat ng stoplight sa Las Piñas–Muntinlupa–Laguna–Cavite Link Road or mas kilala bilang “Daang Hari.”
“Pagkadating natin sa destinasyon, tatanungin ko kayo kung pare-parehas tayo ng bilang,” paliwanag ni Junnie.
“Kung sino ang may maling bilang, siya ang magpapa-gas sa’tin,” dagdag pa nito.
Dahil sa nasabing ride, binansagan din ni Junnie Boy ang sarili bilang “Journey Boy.”
“Tawagin niyo akong Journey Boy at samahan niyo ako sa aking journey para bilangin ang stoplight sa Daang Hari!”
The final count
Pagdating sa kanilang destinasyon, agad nagsabi ng kani-kanilang hula ang magkakaibigan.
Bok: “Par ang usapan dito lahat, so 62! Nanahimik ako kasi binibilang ko.”
Carding: “Par ang bilang ko 60! Tatlo hindi gumagana!”
Junnie: “Alam niyo ilang bilang ko? Sampu!”
Tila hindi nagkaintindihan ang magkakaibigan dahil sina Bok at Carding ay binilang mismo kung ilan ang stoplight unit sa bawat crossing, habang si Junnie Boy naman ay binilang lang ang bawat crossing sa daan.
Dahil dito, walang nagawa si Junnie Boy kundi ilibre ng full tank gas ang kanyang mga kaibigan.
Samantala, ikinatuwa naman ng netizens ang kakaibang pakulo ni “Journey Boy” sa kanyang moto vlog.
florantegarcia3085: “JourneyBoy? Yes! New Character unlocked more of this please.”
doniatoyo9459: “Junnie sana sunod naman na bilangin niyo yung mga poste.”
ronvinarao2072: “Dahil seo junnie binilang q dn 2loy ung stop light s daang hari.”
Watch the full vlog below: