Sa pagpapatuloy ng “Editor Series” ni Steve Wijayawickrama, muli nitong ibinida ang mga video editors sa likod ng mga kalidad na Team Payaman vlogs.
Hatid ngayon ng Sri Lankan editor-turned-vlogger ng Team Payaman ang isa na namang pasilip kung paano nga ba nabubuo ang mga top-trending videos ng pinakasikat na content creator group sa bansa.
Ibinunyang ng video editor na si Brylle Galamay, a.k.a Bods, ang ilan sa mga sikreto sa likod ng kanyang mga obra sa vlogs ni Junnie Boy.
The Bods Magic
Sa bagong episode ng “How to Edit” serye ni Steve, ibinahagi nito ang naging konteksto ng editing ng isa sa mga OG Team Payaman editors na si Bods.
Ibinunyag ni Bods ang kakaiba nitong atake sa proposal vlog ni Junnie Boy noong 2020 na ngayon ay mayroon ng higit 10 million views sa YouTube.
Isiniwalat ni Bods na ang inspirasyon ng proposal vlog ni Junnie ay ang hindi malilimutang Junnie Boy Prank ni Cong TV na umabot na sa 13 million views.
“Once in a lifetime rin yung proposal eh. Ang goal ko is maging genuine yung video. Hindi yung mapapatungan yung mismong content. Ibida mo yung mismong may-ari!” paliwanag ni Bods.
Napansin din ni Steve na kakaiba ang editing timeline na nakasanayan ni Bods dahil iba rin ang atake ng kapwa editors nitong sina Ephraim Abarca at Carlo Santos.
“Sina Eph at Carlo, sobrang kapal ng mga timeline nila eh. So ngayong napanood ko ‘tong video, I was thinking na sobrang kapal ‘din ng timeline mo kasi sobrang ganda ng pag-execute mo!” ani Steve.
Dagdag pa nito: “Ang nagpaganda is yung perfect cut mo at yung phasing!”
Ayon kay Bods, minarapat nitong direktahin ang pinaka-konteksto ng vlog at hindi na nagpaligoy-ligoy upang hindi mabitin ang mga manonood.
Nabanggit din ng TP editor na medyo nahirapan s’yang ilapat ang mga video clips dahil halo-halong emosyon ang ipinakita ni Junnie kasama ang buong Team Payaman.
Nagpasya rin si Bods na ipakita ang buong pangyayari sa proposal upang lalong maramdaman ng mga manonood na kasama sila sa mahalagang kaganapan sa buhay nina Junnie at Vien.
At syempre, hindi rin pinalampas ni Bods na ipakita ang point of view ni Vien Iligan. Ayon kay Bods, hinayaan niyang buo ang nasabing clip upang masaksihan ng mga manonood ang “no filter” reactions ni Vien at ng buong Team Payaman sa proposal ni Junnie.
“Hindi ko s’ya cinut kasi ‘yun talaga yung nangyari ‘eh! Wala akong tinanggal na part para wala kang mami-miss out talaga.”
Netizens’ Reactions
Labis namang namangha ang mga manonood sa kakaibang segment na hatid ni Steve Wijayawickrama at panauhin nitong si Bods.
Dahil dito, ipinahatid ng netizens ang kanilang pagbati sa dedikasyon at sipag na ibinubuhos hindi lang ni Bods, kundi lahat ng mga editor ng Team Payaman.
Andrea T.: “Most awaited ko talaga itong si Bods sa series!!! i learned na kahit simple ang editing pede ka padin makapagdeliver ng quality na content! ultimo ung small details tulad nung added snap na audio then balik sa process ng proposal, Bods big brain talaga! Faling ng tandem na junnie & bods!!”
Nhesa: “Thanks Steve for this video. Sobrang galing and astig lang marinig yung mga perspective ng bawat editor behind every video. Sa kwento ni Bods, parang simple and normal lang pero the emotions you get when you watch the vlogs are really something else. You, editors are the greatest storytellers. Bods, special mention talaga kasi ang dami vids ni Junnie na sarap panoorin paulit ulit.”
MarnonJae Tolentino: “Please continue this kind of content mafrend. I’m a beginner videographer and editor and im learning a lot from you and your friends… actual videos, contents and edits are more far knowledgeable than other video/editing tutorial. thank you thank you very much Steve!”
Watch the full vlog below: