Team Payaman Goes to La Union: Special Summer Travel Vlogs Coming Soon

Muling nagbabalik ang Team Payaman para sa isang summer adventure matapos ang mataimtim na pagninilay nitong nagdaang Semana Santa.

Nagtungo ng norte ang buong tropa upang magtampisaw at mag-bonding sa La Union! Ano kaya ang mga kaganapan na dapat abangan sa kanilang summer special vlogs?

TP Goes to La Union

Sa isang TikTok entry, isang mabilisang life update ang hatid ni Viy Cortez, kung saan isiniwalat nito na kasalukuyan silang nasa Surfing Capital of the North, ang La Union.

“Nakakatuwa kasi nasa bakasyon kami ngayon, kami buong Team Payaman members. So abangan n’yo sa mga vlog namin! Alam n’yo kung ilan kami dito? 60 plus! 60 plus [katao] kaming umalis!” bungad ni Viviys.

“Kasama namin lahat ng mga bata, lahat ng mga editors, lahat ng mga content creators. Sobrang saya kasi first time lang naming lumabas na kumpleto!” dagdag pa nito.

Samantala, dahil nahihilig ang Team Payaman Wild Dogs sa pagmo-motorsiklo, kinumpirma ni Viviys na nag motor ang mga ito patungo sa kanilang summer destination.

“Yes, nag-ride po yung mga boys no, nag-motor sila. At kaming mga babae ang naka sasakyan.” 

Ipinasilip na rin ng ilang TP Wild Cats ang mga kaganapan sa kanilang first summer getaway.

Ibinahagi ni Team Payaman Dancing Queen Mau Anlacan ang ilang litrato sa kanilang Elyu beach trip.

Bukod sa swimming, hindi rin nagpahuli ang Team Payaman sa kanilang entry sa ‘look up’ challenge na sikat ngayon sa TikTok.

Abangan!

Exciting ang mga dapat abangan mula sa summer special vlogs na hatid ng Team Payaman mula sa La Union.

Abangan ang iba pang update sa kani-kanilang mga social media accounts ang mga masasayang kaganapan sa likod ng kauna-unahang all out summer getaway ng Team Payaman.

Manatili ring naka-antabay sa official social media accounts ng VIYLine Media Group para sa mga karagdagang updates sa Team Payaman!

Yenny Certeza

Recent Posts

Make Holiday Gifts Meaningful and Personal with Charms by Yiva

Christmas and New Year, known as the season of giving, inspire many to search for…

3 days ago

Level Up Year-End Celebration Memorabilia with Viyline Printing Services

​ As the New Year approaches, many Filipino families are seeking unique ways to make…

4 days ago

Ninong Ry Finally Grants Cong TV and Junnie Boy’s Cravings After Four Years

Matapos ang apat na taon, oras na para tuparin ni Ninong Ry ang kanyang pangako…

6 days ago

Junnie Boy Shares Dad Realizations in Recent ‘Tsuper Dad’ Vlog Episode

Para sa ikatlong episode ng ‘Tsuper Dad’ serye ni Marlon Velasquez Jr., a.k.a Junnie Boy,…

6 days ago

Team Payaman Members Bag Witty Awards at Their Recent Christmas Party

Sa nakaraang Christmas Party ng Team Payaman, hindi lang basta salu-salo ang naganap, nagkaroon din…

6 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Cong TV on a Spontaneous Husband-and-Wife Adventure

Isang kwela at full-of-adventure vlog ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez at mister niyang si Lincoln…

6 days ago

This website uses cookies.