Semana Santa: Pagninilay Para sa Araw ng Pagkabuhay

Pagninilay para sa Linggo ng Pagkabuhay ni Mr. Rolando Cortez, a.k.a Papa Wow.


Biyernes Santo, Quran Ang Aking Binasa.

Jesus is Peace, Muhammad is Peace!

Bakit kaya Quran ang aking binasa?  English – Arabic at Tagalog – Arabic na kopya ang hawak ko higit pitong taon ng nakararaan.

Bakit hindi Bibliya ang aking binasa? Sa loob ng tatlong dekada, kapiling ko na ang Salita ng Diyos, ang Bibliya, tatlo sa Tagalog, kasama na ang salitang Bikol at Ilocano, at apat sa Ingles. Hindi ito pagmamalaki kundi’y paghahanap ng karunungan ng Diyos sa katiting pa lang na aking nalalaman ng Kaniyang Salita. 

Marahil ay magtataka kayo lalu sa mga nakakakilala sa’kin, baka lumipat na’ko sa pagiging Muslim, o baka naman unti-unting lumilipat na ako sa relihiyong Islam.

NAGBABASA PO AKO NG QURAN AT BIBLIYA UPANG HANAPIN KUNG PAPAANO PAG-UUGNAYIN ANG DALAWA AT MAKAKAPAMUHAY NA MAY KAPAYAPAAN ANG MAG-KAIBANG PANINIWALA. 

Masakit ang magaganap na World War sa darating na panahon sapagkat ito’y isang religious war, hindi usapin kung Pilipino, Amerikano, Arabo, o anumang lahi ka, kundi ang usapin ng giyerang ito ay kung saang relihiyon ka nakaanib.

Sa aking pagiging Katolikong Kristiyano ay sapat at sobra-sobra ang grasya ng Diyos sa’kin, materyal o espiritwal, panahon ko namang ialay ang sarili para sa kapwa lalo na ang paghahangad ng kapayapaan sa mundo.

Walang silbi ang lahat ng pagpapagod ng tao kung nag-aaway-away naman. 

Turo ng bawat relihiyon ay kapayapaan, at pagiging di-makasarili (unselfishness), dahil sa kasakiman, ang tao’y nagiging miserable ang buhay sa mundo.

Araw ng Biyernes Santo, pagdating ng tanghaling tapat ako nama’y tumutok sa telebisyon upang makinig ng mga pagninilay ng mga huling Salita ni Kristo (The Seven Last Words)

Ngayong Araw ng Pagkabuhay ni Jesus ay iba sa mga naunang pagpapahayag ko ng mga repleksyon sa mga Salita ng Diyos, marahil dahil na rin sa pagbabago at paglalim ng mensahe ng Diyos sa’kin bilang tagapagdala ng sulo sa madilim na daigdig ng sanlibutan kahit ako’y hindi karapat-dapat dahil sa pagiging taong makasalanan. 

Sa muling pagkabuhay ni Jesus ay may bagong buhay, bagong nilalang, at bagong karunungan na iniaalay sa sangkatauhan, upang gamitin sa ikabubuti ng lahat. 

Nawa’y ang araw na ‘to ay magbigay ng liwanag sa lahat at maging ilaw din ng mga taong nadidiliman lalu sa mga taong “durog ang puso.” 

Sa Diyos lagi ang kapurihan!

Likes:
0 0
Views:
845
Article Categories:
WEBLOG

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *