Tunay na inaabangan ng mga netizens ang bawat Spotify podcast episode ng Payaman Insider, kung saan tampok ang mga samu’t-saring usapan na talagang namang makaka-relate ang makikinig.
Dahil isa ang Payaman Insider sa naghahatid ng makabuluhang usapin sa mundo ng Spotify, naimbitahan ang mga host nitong sina Junnie Boy, Burong, Boss Keng, at Tryke Gutierrez sa isang pagdiriwang kung saan pinagsama-sama ang ilan pa sa mga kilalang personalidad sa mundo ng podcast.
Sa bagong YouTube vlog ni Burong, makikitang mayroong karaoke segment ang naturang pagdiriwang at bawat grupo ay nangangailangan ng isang kinatawan upang lumahok sa nasabing bahagi ng programa.
Pero hindi lang ito basta kantahan dahil ang magwawagi ay may tyansang manalo ng “Stay at Manila Hotel worth Php 45,000” o di kaya naman ay “Stay at The Farm at San Benito worth Php 75,000.”
Kaya naman ang napiling representante ng Payaman Insider boys ay walang iba kundi si Junnie Boy.
“Tinanong kasi dun sino ba sa Payaman Insider?” palusot ni Burong.
“Wala namang tinanong, tinawag niya lang tapos sinabi niya [Burong] na kakanta ka,” paliwanag ni Boss Keng.
Kabado namang sinagot ito ni Junnie Boy: “Walang laman yung tiyan ko pero natatae ako.”
Bago sumalang sa stage ay bumanat muna ng kaunting patikim si Junnie Boy upang tanggalin ang nadaramang kaba.
“Boss, pagka kumanta si Junnie mamaya, paki sure lang na bantayan yung mga girls kasi baka magkagulo-gulo,” biro naman ni Tier One Entertainment CEO Tryke Gutierrez.
Bagamat kinakabahan ay umakyat pa rin sa entablado si Junnie Boy at inawit ang kantang One Day ni Matisyahu.
“Pasensiya na po kayo, kinakabahan po ako,” aminadong biro ni Junnie Boy.
Sa simula ng pagtatanghal ay tila nakuha agad ni Junnie Boy ang pulso ng iba pang bisita at maririnig ang pagsabay ng mga ito sa kanyang pagkanta.
Wala ring kakaba-kabang pinahanga ni Junnie Boy ang lahat sa kanyang angking talento sa pag-awit.
Makikita rin ang todong pagsuporta at malakas na hiyawan ng Payaman Insider boys para sa kanilang pambato.
Watch the full vlog below:
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
Isang makulay na kabanata ang ibinahagi ng Velasquez-Gaspar Family sa pinakabagong YouTube vlog ni Mommy…
Bilang pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ng panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na…
This website uses cookies.