JaiGa Supports Fellow Influencers Thru Fun Team Payaman Fair Challenge

(This article is sponsored by Luxe Beauty and Wellness Group)

Hindi nagpahuli ang magkasintahang vlogger na sina Jai Asuncion at Agassi Ching, a.k.a JaiGa, na suportahan ang kapwa nila influencers sa nagdaang Team Payaman Fair. 

Isa ang negosyo nina Jai at Aga na JaiGa merch sa mga itinampok sa TP Fair na ginanap sa SM Megamall Megatrade Hall noong March 8-12, 2023. 

Bilang pag tangilik sa negosyo ng kapwa nila content creators, naisipan ng JaiGa ang isang nakakatuwang challenge. 

Pinakamahal o Pinakamura

Sa kanyang bagong vlog, isinama ni Jai Asuncion ang kanyang mga manonood sa kanilang huling araw sa pinakamasayang summer fair ng taon.

Kasama ang kasintahan nitong si Agassi Ching, pinapili ni Jai ang ilang business owners sa TP Fair kung ang “pinakamahal o pinakamurang” paninda ng mga ito ang kanyang bibilhin.

“Mayroon akong P10,000 budget for today! Depende pa sa mapupuntahan natin!” ani Jai.

Sinimulan ng JaiGa ang paglilibot sa TP Fair at una sa maswerteng booth na kanilang binista ay ang DEMMAND Apparel, ang negosyo ng yumaong Team Payaman member na si Emman Nimedez.

Ang tatay ni Emman na si Daddy Louie Nimedez ang punong-abala sa pagbebenta, kaya naman siya na rin ang naging representative sa pa-challenge ng JaiGa.

Nabunot nito ang “pinakamura” kung kaya’t binili nina Jai at Aga ang suot na damit ni Daddy Louie na nagkakahalaga ng Php 599.

Sunod na binista ng JaiGa ang booth ng kapatid ni Zeinab Harake na si Rana Harake na CEO ng Rabbies Cosmetics.

“Pinakamahal” ang nabunot ni Rana kung kaya naman agad nitong inalok si Jai ng produktong nagkakahalaga ng Php 199.

“Ay totoo? Very affordable pala dito sa Rabbies Cosmetics!” ani Jai.

“Mukha lang syang mahal, pero mura!” sagot naman ni Rana.

Binisita rin ng JaiGa ang negosyong Cong Clothing ni Cong TV kung saan napili ni Cong ang “pinakamura.”

Si Pau Sepagan, a.k.a Rogerraker naman ang sunod na binisita ng JaiGa at nabunot nito ang “pinakamura.”

Ang professional Mobile Legends player naman na si AkosiDogie ay nakabunot ng “pinakamahal,” kung kaya inalok nito ang kanyang binebentang hoodie sa halagang Php 1,500.

Binisita rin ng JaiGa ang mala sari-sari store ni Tita Krissy Achino kung saan tampok ang negosyo ng aktor na si Jairus Aquino. Nabunot ni Krissy ang ‘pinakamahal’ kaya binili ni Jai ang tinda nitong merch na nagkakahalaga ng Php 600.

At syempre, hindi pwedeng mawala sa kanilang mabibilhan ang VIYLine Cosmetics ni Viy Cortez.

Swerteng nabunot ni Viviys ang “pinakamahal” at agad nitong inalok kay Jai ang “Love Box.”

“Nagkaroon pa ako ng benta! Ang galing ng content na ‘to! Go lang ng go!” biro ni Viviys.

JaiGa at Luxe Booth

At syempre, binisita rin nina Jai at Aga ang booth ng Luxe Beauty and Wellness Group na pagmamay-ari ng vlogger at entrepreneur na si Anna Magkawas.

“Madam, balita ko po nasa Top 20 Youngest Millionaire [kayo]!” bungad ni Aga.

“Grabe naman ‘yan!” birong sagot ni Anna.

Nabunot ng Luxe CEO ang “pinakamahal,” kung kaya naman inalok nito kay Jai ang pinakamahal ngunit kalidad na produkto mula sa Luxe Skin, ang Serum Foundation na nagkakahalagang Php 999.

Ang Luxe Skin ay isa sa brand sa ilalim ng Luxe Beauty and Wellness Group na naghahandog ng mga skincare, cosmetics, at beauty beverage products.

Mula sa mga top trending wet wipes foundation, lip color, at pati slimming coffee at beauty juice sagot ng Luxe Beauty and Wellnes ang inyong mga pampaganda sa murang halaga.

TP Fair Aftermath

Bago matapos ang TP Fair ay labis labis ang pasasalamat ni Agassi Ching at Jai Asuncion sa kanilang mga taga-suporta. 

“Gusto ko lang po magpasalamat sa Team Payaman Fair sa pagimbita sa amin dito. Sa lahat ng mga pumunta, sa lahat ng mga sumusuporta sa amin simula day 1, hanggang ngayon na last day. Sobra kaming thankful sa inyong lahat.” 

Watch the full vlog below:

https://shopee.ph/viyline
Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman Wild Cats Share Life Revelations in Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog

​ Hindi lang busog ang tiyan kundi busog din sa rebelasyon ang mga manonood matapos…

2 days ago

Make Every Summer Trip Extra Flavorful with King Sisig in a Jar

Summer is all about sunshine, road trips, beach days, and food adventures — but finding…

4 days ago

Cong TV Takes On Extreme Fishing Challenge For Wife’s Tuna Cravings

Isang legendary vlog ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs, Y Kulba, at Team Harabas…

4 days ago

Team PYMN Clothing Drops Two New RawBlock Collection Designs

Cong TV’s clothing brand, known as ‘Team PYMN,’ officially added two more designs to its…

5 days ago

CARambola EP 2: Netizens Poke Fun Of Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog Collaboration

Isang hindi inaasahang pagsasama-sama ng iba’t ibang personalidad ang mapapanood sa bagong episode ng vlog…

5 days ago

Rally with Team Payaman’s Pat and Keng at the Playhouse Pickle Tournament 2026

Get ready to serve, smash, and score at the highly anticipated Playhouse Pickleball Tournament happening…

6 days ago

This website uses cookies.