Baby Lakeisha of Billionaire Gang Went on a Team Payaman Fair Shopping-Spree

Shop ‘till you drop ang peg ng YouTube baby na si Baby Lakeisha, ang panganay na anak  ng vloggers na sina Von Ordona at Carlyn Ocampo mula sa grupong Billionaire Gang. 

Ang merchandise ng Billionaire Gang ay isa sa mge negosyong itinampok sa nagdaang Team Payaman Fair na ginanap sa SM Megamall Megatrade Hall noong March 8 – 12, 2023. 

Kamusta naman kaya ang naging Team Payaman Fair shopping experience ni Baby Lakeisha?

BG at Team Payaman Fair

Sa kanyang bagong vlog, inamin ni Von Ordona ang pananabik nyang makita ang Team Payaman na maituturing nilang “seniors” sa larangan ng vlogging. 

“I’ve been waiting for this moment, sa totoo lang! Mga seniors natin yon, lalo na si Papa Cocon (Cong TV)!” ani Von. 

Hindi naman nabigo ang grupo dahil nakadaupang palad nila ang ilang miyembro ng Team Payaman gaya nina Cong TV, Viy Cortez, Junnie Boy, Boss Keng, Yow, at Dudut. 

Baby Lakeisha Shopping Challenge

At bilang selebrasyon sa pagkamit ng 4 million YouTube subscribers, naisip ni Daddy Von na ipagshopping sa Team Payaman Fair ang kanyang unica hija.

“Kahit anong ituro ni Baby Lakeisha, bibilhin natin!” 

Unang binisita ng kanilang pamilya ay ang TP Kids booth. Ang TP Kids ay ang pinaka bagong business venture ni VIYLine CEO Viy Cortez kung saan mabibili ang iba’t-ibang educational books, learning materials at pati na rin mga laruan para sa mga chikiting. 

Pinapili ni Daddy Von si Baby Lakeisha sa pagitan ng dalawang produkto, isang pinaka mura at isang pinakamahal na binebenta ng TP Kids at saka pinapili ang kanyang prinsesa. 

Ang itinuro ni Baby Lakeisha ay ang kitchen toy set na nagkakahalaga ng P2,995 na siyang ikinagulat ng buong Billionaire Gang. 

Sunod nilang sinugod ang Rabbies Cosmetics booth para mamili ng mga makeup para kay Mommy Carlyn. 

Namili rin ang Ordona Family sa Cong Clothing booth kung saan mismong si Cong TV ang nagbenta. Pero dahil tila nahihirapan si Baby Lakeisha mag mamili ng damit, payo ni Cong: “Para hindi mahirapan si Papa, dalawa na lang kunin niya!”

Namili rin si Baby Lakeisha sa Giyang Clothing, Luxe Skin, NYT Clothing, WLKJN, at Boss Apparel. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Team Payaman Wild Cats Share Life Revelations in Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog

​ Hindi lang busog ang tiyan kundi busog din sa rebelasyon ang mga manonood matapos…

4 days ago

Make Every Summer Trip Extra Flavorful with King Sisig in a Jar

Summer is all about sunshine, road trips, beach days, and food adventures — but finding…

5 days ago

Cong TV Takes On Extreme Fishing Challenge For Wife’s Tuna Cravings

Isang legendary vlog ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs, Y Kulba, at Team Harabas…

5 days ago

Team PYMN Clothing Drops Two New RawBlock Collection Designs

Cong TV’s clothing brand, known as ‘Team PYMN,’ officially added two more designs to its…

7 days ago

CARambola EP 2: Netizens Poke Fun Of Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog Collaboration

Isang hindi inaasahang pagsasama-sama ng iba’t ibang personalidad ang mapapanood sa bagong episode ng vlog…

7 days ago

Rally with Team Payaman’s Pat and Keng at the Playhouse Pickle Tournament 2026

Get ready to serve, smash, and score at the highly anticipated Playhouse Pickleball Tournament happening…

1 week ago

This website uses cookies.