Tapos na ang Araw ng mga Puso, ngunit hindi pa tapos ang Team Payaman na magpakilig sa atin ngayong Pebrero. Isang kilig-to-the bones vlog ang hati sa atin ngayon ng Sri Lankan vlogger ng grupo na si Steve Wijayawickrama.
Sa kanyang bagong vlog, ikinuwento ni Steve kung paano nya tuluyang naging nobya ang kanyang special friend sa loob ng sampung taon.
Meet Josie
Ipinakilala ni Steve Wijayawickrama sa kanyang manonood ang kanyang best friend at special friend na si Josie.
Ayon kay Steve, isa si Josie sa mga una nyang naging kaibigan ng mapadpad siya dito sa Pilipinas. Ito din aniya ang nagmulat sa kanya sa mga kulturang Pinoy at kasama nya noong siya ay nagsisimula pa lang sa vlogging noong 2015.
“She was always in the shadows and now that I am where I am right now I’m thankful na she is still behind my back,” ani Steve.
“I think it’s time that I put her in the front and show the world how special she is,” she added.
Ipinangako rin aniya niya kay Josie na darating ang panahon na siya naman ang maglilibot kay dito sa kanyang bansang sinilangan, ang Sri Lanka.
1st out of the country trip
Sumabak sina Steve at Josie sa kanilang unang biyahe sa labas ng Pilipinas at ang kanilang destinasyon ay ang Sri Lanka, upang dumalo ng isang local traditional wedding ng kanyang kamag-anak.
Pero bago pa magtungo ng Sri Lanka, bumisita na si Steve sa isang alahera upang ipagawa ang singsing na ireregalo kay Josie.
“Tatay ko miso ang nag-mina ng sapphire na ‘to, sabi niya pag nakita ko na ang tamang tao para sa’kin, ibigay ko ‘to sa kanya, sa tingin ko nahanap ko na siya.”
Habang nasa Sri Lanka, dinala ni Steve si Josie sa Sigiriya – isang espesyal na lugar kung saan marami siyang magandang alaala kasama ang kanyang pamilya.
“Moving to the Philippines for the past 10 years, just like this place, like how we climb this place, it’s worth the view. And for the past 10 years, you were climbing life with me together.”
“Josie, will you be my girlfriend?”
Hindi makapaniwala si Josie sa kanyang narinig at agad din namang tinanggap ang alok ni Steve.
Watch the full vlog below: