Team Payaman Girls Humorously Shut Down Bashers Attacking Viy Cortez’s Sister

To the rescue ang Team Payaman girls matapos atakihin ng bashers at trolls ang nakatatandang kapatid ni Viy Cortez.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Ivy’s Feminity Owner at VIYLine Field Operations Head Ivy Cortez-Ragos ang ilang screenshot ng mga natanggap niyang masasakit na salita mula sa bashers. 

Kabilang sa nasabing bashing ay ang mga paratang sa pamilya ni Ivy at maging sa kanyang mga anak. 

Pero imbes na patulan ang mga nasabing bashers, mas pinili ng Ate Ivy ni Viviys na magpakumbaba at huwag na lang pansinin ang masakit na salita at paratang na binabato sa kanya. 

 Bagkus ay mga Salita ng Diyos na lang ang ibinahagi nito sa kanyang mga followers.

“Bless those who persecute you; bless and do not curse. Do not repay anyone evil for evil. Do not take revenge, my dear friends, but leave room for God’s wrath, for it is written: ‘It is mine to avenge; I will repay,’ says the Lord,” ani Ivy Cortez-Ragos

TP Girls to the Rescue

Hindi naman pinalampas ni Viy Cortez ang pagkakataon upang ipagtanggol ang kanyang Ate Ivy sa mga basher. 

Sa kanyang comment sa nasabing post, inilabas ng 26-anyos na vlogger at businesswoman ang kanyang saloobin at pagtatanggol sa kanyang kapatid. 

“Kakapal ng mukha di nila alam ginagawa nyong tulong sa viyline para lumaki at may sarili kayo business! Palibhasa walang mga katuwang sa buhay mga yan!” ani Viviys. 

Pinayuhan din ni Viy ang kanyang Ate Ivy na patuloy lang na huwag pansinin ang masasakit na salitang ibinabato sa kanilang pamilya. 

“Wag nyo mga pansinin yan ate malungkot buhay ng mga yan. Basta tayong pamilya walang sawang binibigyan ng biyaya ni Lord,” dagdag pa nito. 

Samantala, to the rescue rin ang Team Payaman Girls na sina Pat Velasquez-Gaspar at Vien Iligan-Velasquez sa pagtatanggol kay Ivy. 

Pat Velasquez-Gaspar: “Ganyan talaga pag walang laman puro ingay lang. Kamusta kaya buhay nitong nagcomment, siguro miserable? Masaya kaya siya? I doubt!”

Vien Iligan-Velasquez: “Yang nagcomment niyan halatang hindi binebless kasi? Alam mo na masama ang ugali”

TP Fans React

Ipinaabot din ng ilang Team Payaman fans ang kanilang suporta kay Ate Ivy sa pamamagitan ng kanilang magagandang salita at papuri sa kapatid na tumutulong kay Viy Cortez simula umpisa. 

Samuel Cao: “Sabi nga ni papa wow, ‘ang punong hitik sa bunga, laging pinupukol’ God bless sa inyo!”

Joan Cassandra Egana: “I love you ate Ivy. Noon pa man laging nagpapasalamat sayo si Viy Cortez Dahil kundi dahil sayo hindi nya makakayanan lahat lahat at dahil marunong tumanaw ng utang na loob si viy or marunong sya mag share ng blessing nya specially sa mga taong andyan simula nung nag uumpisa sya kaya nag share sya sainyo , saka wag mo pansinin yang mga yan for sure Palamunin pa rin yan ng mga magulang nya. Go Ate Ivy & Kuya Jeff Masipag at mabait kayong tao Kaya sobrang deserve nyo lahat ng blessing.”

Alyanna Marie Lanante: “Yung mga nag cocoment nang ganyan hindi nya nasubaybayan or napanood sa mga vlogs dati ni viviys yung hirap at mga tulong ng ate niya simula umpisa. Jusko pati bata dinadamay niyo.”

Jomel Wagas: “Pang may bashers it means sikat na po kayo.  We don’t need their opinion but we need their presence hehehehe”

Kath Regio

Recent Posts

Team Payaman’s Clouie Dims Explores The Best Matcha Drinks in Siargao

Muling naghatid ng travel at food content ang Team Payaman vlogger na si Clouie Dims…

3 days ago

SM at 40: Ivy Cortez-Ragos and Family Joins Celebration of SM Supermalls’ 4th Decade

SM has been a big part of Filipinos’ everyday lives, from family weekend bondings to…

3 days ago

Doc Alvin Francisco Reveals the Hidden Truth Behind Your “Healthy” Favorites

Isa ka ba sa mga mahilig sa oatmeal, yogurt, granola bars, at ilan pang masustansyang…

4 days ago

Team Payaman Opens ‘Playhouse Pickle’ Court to the Public

You didn’t see this coming, but for the love of the game, Team Payaman has…

4 days ago

Tokyo Athena Serves Cuteness In Recent Rapunzel-Inspired Milestone Shoot

Little Princess Tokyo Athena Velasquez is back and brighter than ever!  Bilang pagpapatuloy sa tradisyon…

4 days ago

Team Payaman’s Aaron Macacua Joins Pencilbox Comedy ‘Sun2kan sa Skydome’ This October

Patuloy na ipinapakita ng Team Payaman vlogger na si Aaron Macacua, a.k.a Burong, ang kanyang…

5 days ago

This website uses cookies.