#RhoMau: Rhomil Francisco and Mau Anlacan Level up Love Team Serye in Congpound

Ngayong Buwan ng Pag-Ibig, muling hatid ng Team Payaman ang #KiligMuchSerye mula sa online love story nina Mau Anlacan at Rhomil Francisco.

Sa ikalawang pagkakataon, isang nakakakilig na kaganapan ang sinubaybayan ni Steve Wijayawickrama at ibinahagi sa kanyang manonood. 

#RhoMau FTW!

Sa nakaraang vlog ng editor-turned-vlogger na si Steve Wijayawickrama, ibinahagi nito ang never-seen-before clips ng interaksyon ng di-umano’y nabubuong love team sa loob ng Payamansion.

Sa ikalawang pagkakataon, ibinahagi ni Steve sa kanyang bagong vlog ang sampung minutong puno ng nakakakilig na interaksyon sa pagitan nina TP Dancing Queen Mau at TP video editor Rhomil

Pero bago ang lahat, may isiniwalat na katotohanan si Kevin Hufana tungkol sa dalawa.

“Guys, alam n’yo ba? Si Mau ang unang nag-chat kay Rhomil!” kwento nito.

“Wala nang intro intro! Crush niya talaga si Rhomil!” dagdag naman ni Clouie Dims.

Hindi pa natapos ang pangbubuking dahil kaliwa’t-kanan na ang pang-aasar ng mga kapwa Dancing Queen ni Mau sa kanya.

Ilang sandali lang ay dumating si Rhomil dahilan upang kiligin ang TP Wild Cats. Hindi nagtagal ay inusisa na ng “Official Marites” ng grupo ang namumuong pag-iibigan sa pagitan nina Mau at Rhomil.

“So Rhomil, ano naman ang pakiramdam na si Mau ang unang nag-chat sa’yo?” tanong ni Kevin.

Pabirong sagot naman ni Rhomil: “‘De, sanay na ako eh!” 

Hindi rin nagpahuli si Burong sa pag-usisa kay Mau, “Ano bang qualities ni Rhomil ang palagay mo ay nagustuhan mo?

“Mukha siyang family oriented, mabait.” sagot ni Mau.

Samantala, ayon kay Rhomil ang nagustuhan naman niya kay Mau ay ang pagiging hardworking nito.

Bago tapusin ang nakakaintrigang Q and A, hiningan nina Kevin at Burong ng mensahe sina Mau at Rhomil para sa isa’t isa.

“Kamusta ka na?” tanong ni Rhomil.

“Okay naman. Tara, akyat?” pabirong sagot ni Mau.

The Big Reveal

Upang sagutin ang tanong ng lahat kung single nga ba sina Mau at Rhomil, taas noo itong sinagot ng “Oo” ng dalawa. 

Isa pa sa mga nagpakilig sa mga nasa Congpound ay ang kauna-unahang holding hands moment ng tambalang RhoMau.

Abangan pa ang susunod na kabanata sa pag-iibigan sa pagitan nina Mau Anlacan at Rhomil Francisco. 

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

4 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

7 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

8 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

1 day ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.