Carding Magsino Lectures Team Payaman and Viewers with Dandruff 101

Kasabay ng mainit na pagtanggap ng netizens sa bagong tahanan ng Team Payaman sa Congpound ay ang pagkalat ng isyu na natuklasan ni Carding Magsino. 

Sa kanyang bagong vlog, isiniwalat ng “Resident Physical Therapist at Walking Encyclopedia” ng Team Payaman ang namumuong problema sa kanyang mga kasamahan.

Legit check

Isa-isang nilapitan at inobserbahan ni Carding ang kanyang mga kapwa vlogger sina Yow, Cong TV, at Kevin Hermosada upang kumpirmahin ang kanyang hinala na dumadami na ang mga kasamahan na binabalot ng balakubak o dandruff sa kanilang mga ulo.

Ayon kay Yow, stress ang rason kung bakit siya nagkakaroon ng balakubak; paliwanag naman ni Cong TV, ito ay dulot ng natuyong pawis.

The nature of dandruff

Dahil dito, isang makabuluhang pagpapaliwanag na naman ang hatid ni Carding sa kung ano at saan nga ba talaga nagmumula ang balakubak.

Ayon kay Carding, ito ay mula sa “yeast” na maaaring makuha kahit sa pagsilang pa lamang. Tinatawag itong “malassezia” na namamalagi sa hair follicles nating mga tao o sa mismong pinagtutubuan ng ating mga buhok.

Ito rin daw ay may inilalabas na oil na tinatawag na sebum na gumagawa ng sebaceous glands na nag mo-moisturize at pumo-protekta sa ating balat.

“Yung oil na lumalabas sayo, sebum ang tawag diyan.

Ngunit, bakit nga ba hindi tayo nagkakaroon ng balakubak sa ating mga balahibo, bigote, at maging sa buhok sa maselan na bahagi ng ating katawan?

Ito ay dulot ng oil secretion dahil ang mga buhok sa ating ulo ay mas oily kumpara sa mga parte na nabanggit. Ang mga inilalabas na oil ng ating buhok ang siyang kinakain ng mga yeast sa ating hair follicles. 

“Fungi talaga sila, makati!” 

Dagdag pa ni Carding, ang oil glands o sebum na lumalabas mula sa ating hair follicles ay may dalawang klase: may saturated fats at unsaturated fats. 

Nagdudulot ng pangangati sa ating ulo ang naiiwang unsaturated fats na bumabaon sa scalp at bumubutas ng ating epidermis na naglalabas ng tubig.

“Ang kinakain lang nung mga yeast na ‘to ay saturated fats. Iniiwan nila yung unsaturated fats.” 

Dahil nga nagkakaroon ng butas sa scalp, ang balat natin ay naghihilom ngunit hindi pantay.

“Yung mga nagheal na layer ng skin na yun na binaunan ng unsaturated fats, yun yung nagiging balakubak.”

What to do with dandruff?

Ang mga anti-dandruff shampoo o anti-fungal shampoo ay makakatulong upang mabawasan ang mga yeast na nakatira sa ating mga ulo.

Paglilinaw pa ni Carding na walang kinalaman ang ginagamit nating shampoo sa pagkakaroon ng makating dandruff.

“In fact, hindi naman talaga dahil sa shampoo kundi dahil sa mga fungi na nakatira sa buhok natin.”

Isa rin aniyang paraan upang maiwasan ang balakubak ay ang paliligo. Hindi rin ito dapat katakutan dahil hindi naman ito nagdudulot ng hindi magandang sanhi. 

Watch the full vlog below: 

Likes:
0 0
Views:
876
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *