Isa pa sa mga bahay na matatagpuan sa Congpound ng Team Payaman ay ang tinatawag na “Content Creator House.”
Dito naninirahan ang ilang content creators gaya nina Yow, Dudut Lang, Clouie Dims, Kevin Hermosada, Burong, Carding, at Steve Wijayawickrama. Kasama rin nila dito ang ilang video editors ng grupo.
Hatid ngayon ni Team Payaman Wild Cat Clouie Dims ang isang araw na puno ng kaganapan sa loob ng “Content Creator House” sa Congpound.
A Day in Content Creator House
Sa bagong vlog ni Clouie Dims, ipinakilala nito ang ilang miyembro ng Team Payaman na naninirahan sa ika-apat na bahay sa Congpound.
Ayon kay Clouie, si Yow ang kadalasang nagigising ng maaga at naghahanda ng kanilang almusal, partikular na ang kanyang legendary sinangag.
Hindi rin pinalampas ni Clouie na maka-chikahan ang tinaguriang “Content Material” at “Waldo” ng grupo.
“I like this house… pinagsama yung nature and industrial. Ganda noh? Ganyan lang!” pagbabahagi ni Yow tungkol sa disenyo ng kanyang dream house.
Room Raid
Matapos kamustahin si Yow, isang virtual house tour naman ang hatid ni Clouie sa kanyang mga manonood.
Unang ipinakita ni Clouie ang kwarto ng vlogger at “Libre” band vocalist na si Kevin Hermosada.
“Ito yung kwarto ni Mr. Kevin. Kung mapapansin n’yo, nakabukas yung pinto n’ya pero naka-lock dito [door knob]. So, ano yun? Anong sense?” biro ni Clouie.
Hindi rin pinalampas ni Clouie na kamustahin ang kanyang kasamahan sa Congpound na ngayo’y busy na rin sa kaniyang karera.
“Anong nararamdaman mo na magkahiwalay kayo ng bahay?” tanong ni Clouie.
“Syempre, nakakapanibago pero solid kasi syempre may privacy ang lahat [ng Team Payaman] kasi lumalaki na tayo,” sagot ni Kevs.
Sunod na sinilip ni Clouie ang kwarto ng kanyang nobyo na si Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, na kanyang natagpuang tulog pa.
“Ano ang dream house mo?” tanong ni Clouie.
Sagot naman ni Dudut: “Gusto ko ng simple lang. Gusto ko yung medyo malawak, mababa, sobrang lawak. Gusto ko lang ng damuhan.”
Sunod na kinamusta at inusisa ni Clouie ang pinagkakaabalahan ng housemate nitong si Burong na tila kakagising lang.
“Marami. Inaasikaso ko yung sariling bahay [namin], inaasikaso ko rin yung gagawin naming business sa TP Fair. Bukod doon, may iba’t-ibang project din kaming ginagawa ni Cong,” ani Burong.
Watch the full vlog below: