Burong Introduces New ‘Friendly Neighburs’ Culture in Team Payaman Congpound Community

Dahil kakalipat lang ng Team Payaman sa kanilang mga bagong tahanan na binansagang “Congpound,” makabagong kultura ang nais ipatupad ni Aaron Macacua, a.k.a Burong, sa kanilang komunidad. 

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ni Burong kung paano niya ipinakilala ang iba’t-ibang kultura sa mga kasama sa Congpound.

Neighbor Etiquette

Sinimulan ni Burong ang pagtanggap sa mga bagong makakasama sa bahay gaya nina Jaime de Guzman, a.k.a Dudut Lang, at Steve Wijayawickrama.

“Oras na para i-welcome ang ating mga bagong kapitbahay! Pagyabungin ang kultura ng bawat Pilipino dito sa aming village,” ani Burong.

“Isa ito sa mabisang paraan para dumami ang kaibigan niyo sa bagong lilipatan niyo,” dagdag pa nito.

Unang binisita ng grupo ni Burong ang bahay ng mag-asawang Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar.

 “Ako pala si Neighburs!” pagpapakilala ni Burong. 

Inakala ng mag-asawa na may bitbit itong pasalubong para sa kanila ngunit paliwanag ni Burong, salungat na kultura ang nakagawian nila sa kanilang village.

“May pasalubong po kayo sa amin?” ani Boss Keng.

Sagot naman ni Burong: “Ay hindi baliktad kasi dito. Pag may bagong lipat, kinukuhanan namin ng pagkain.” 

Sinadya rin ng grupo ang tahanan sa Congpound ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez.

Naging mainit din ang naging pagtanggap ni Junnie Boy sa grupo at maayos na ipinaliwanag ang nasabing tradisyon na aniya’y nagdudulot ng mas matibay na relasyon sa magkalapit bahay.

“Dito kasi sa village natin, sa iba, nagbibigay ng pagkain pag bagong lipat. Kami ho, kumukuha ng pagkain,” paliwanag ni Burong.

Kusang loob namang nagbahagi si Junnie Boy ng kanilang stocks ng pagkain sa mga magiliw niyang kapitbahay.

Ngunit, sa ikatlong tahanan na pagmamay-ari nina Cong TV at Viy Cortez, tila hindi naging epektibo ang kanilang ipinakikilang bagong kultura. 

“Rules talaga ito ng asosasyon. Kung ayaw niyo hong makipagkaibigan, desisyon niyo ho yan,” ani Burong.

“Sir tanggihan niyo kami ngayon at tatanggihan namin kayo habambuhay,” pagbabanta naman ni Dudut.

Tila nagkaroon sila ng mainit na argumento ngunit sa huli, inialay na lang ni Viy Cortez ang kanyang fiance sa kanilang friendly “neighburs.”

Congpound Night Life

Samantala, isa pa sa nakakatuwang diumanoy kultura sa kanilang lugar ay ang “8 o’clock habit” ng magkakapitbahay. 

“Pag alas-otso kasi dito sir, doon kami nag wawalis, tapos dun kami nagkukwentuhan. Mag chi-chismisan tayo,” paliwanag ni Burong.

Sa huli, nagkaroon naman ng masaya at nakakatuwang ugnayan ang mga magkakapitbahay sa Congpound.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
818
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *