Team Payaman’s Chef Enn Lure Netizens With His Delectable Dishes

Isang nakakatakam at nakakagutom na putahe ang muling hinatid ng resident Chef ng Payamansion na si Kenneth Silva, a.k.a Chef Enn. 

Sa panibagong vlog sa kanyang YouTube channel, binusog ni Chef Enn ang kanyang 64,800 subscribers sa recipe ng Pork Bistek Tagalog, Pork Nilaga, at Toge. 

Atomic Habit

Nakagawian ni Chef Enn na bago simulan ang pagluluto ay hinuhugasan muna niya ang mga kagamitan pang kusina na gagamitin at kakailanganin.

“So ayun guys, maghuhugas na naman tayo. Ako kasi talaga ang naghuhugas nito since nung dumating ako dito,” ani Chef Enn.

“Isa ito sa parte ng trabaho ko dito sa mansyon. Ang hugasan ang mga ginamit ko,” dagdag pa nito. 

Matapos ang mga ritwal, sinimulan na ni Chef Enn ang pagluluto ng mga pag malakasang putahe para sa Team Payaman. 

Inuna nitong ibabad ang pork liempo sa toyo at calamansi at kasunod na ginayat ang mga sahog na para sa Pork Nilaga. 

Matapos iprito ang mga binabad na liempo, pinakuluan niya ito sa loob ng sampung minuto, saka tinimplahan ng Oyster Sauce, paminta, asukal, at slurry.

A new challenge

Samantala, nabanggit din ni Chef Enn na dapat abangan ang susunod niyang mga content dahil bukod sa mga masasarap na putahe na kanya pang lulutuin ay balak na niya ring pasukin ang pagta-travel vlog. Kasama na rin dito ang pagtulong sa mga taong kanyang nakakasalamuha.

“Isa pa sa abangan niyong gagawin ko ay magta-travel vlog ako. At ayun, magluluto ako sa mga pupuntahan natin. Tutulong tayo sa mga tao or giving the food. Lalo na kung may kakayanan na tayong tumulong,” paliwanag ng kusinero. 

Paalala pa ni Chef Enn na patuloy siyang samahan at abangan sa mga susunod pang mga araw.

Watch the full vlog below:

Likes:
0 0
Views:
921
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *