Categories: SALE & PROMOTIONS

VIYLine’s Biggest ‘PAMIGAY SALE’ Happening this 12.12 Grand Decemberific FREEVIYS Sale!

“Walang uuwing luhaan sa 12.12!” 

‘Yan ang pangakong binitawan ni YouTube vlogger at VIYLine big boss Viy Cortez sa kanyang mga suki at masugid na taga suporta.

Dahil sa darating na Dec. 12, 2022, itotodo na ni Viviys ang pamimigay ng regalo at pa-premyo bilang pasasalamat at paggunita sa nalalapit na Kapaskuhan. 

Kumapit na kayo mga kapitbahay dahil back-to-back PAMIGAY SALE ang hatid ng VIYLine Cosmetics, VIYLine Skincare, at TP Kids!

Freebies, pa-premyo, at surprise liveseller guests! Ilan lang yan sa dapat nyong abangan sa mga pasabog ng VIYLine pagpatak ng alas-dose ng madaling araw sa Dec.12!

Pero papaano nga ba makakakuha ng freeviys at mananalo ng pa-premyo sa darating na 12.12 Sale?

Spin the Wheel Freeviys

Dahil sa matagumpay na “Spin the Wheel Freeviys” noong nagdaang 11.11 Sale, muling magpapamigay ng sandamakmak na regalo si Viy Cortez gamit ang mahiwagang roleta. 

Simula alas-dose ng madaling araw sa Dec. 12, lahat ng orders mula sa official Shopee, Lazada, at TikTok shop ng VIYLine Cosmetics ay magkakaroon ng isang libreng produkto mula sa VIYLine Cosmetics  o VIYLine Skincare. 

Lahat din ng nasabing orders ay maaring magkaroon ng tyansa na mabunot para sa isang libreng roleta spin, kung saan iba’t-ibang premyo ang nag-aabang!

Ang “Spin the Wheel Freeviys” ay gaganapin sa live streaming session sa official TikTok account ni Viy Cortez. 

Mismong sina Viy Cortez, Cong TV, at ilang special live seller guests ang magpapaikot ng roleta, at magsisilbing lucky charm ng lahat ng magche-checkout ngayong 12.12 Grand Decemberific FREEVIYS Sale!

Jaw-dropping prizes!

Pero teka, ano-ano ba ang maaring mapanalunan sa “Spin the Wheel Freeviys” ng VIYLine sa 12.12?

Kumapit kayo mga kapitbahay dahil ito lang naman ang mga pwede nyong maiuwi sa 12.12 Sale ng VIYLine!

  • (1) Suzuki Smash Motorcycle
  • (1) 55” Samsung Smart TV
  • (1) iPhone 14 Pro Max (Fully Paid!)
  • (1) iPhone 14 (Fully Paid pa rin!)
  • (500 pcs) Cong Clothing shirt
  • (1) P20,000 cash voucher
  • (1) P10,000 cash voucher
  • (80pcs) P1,000 cash voucher
  • (60pcs) P500 cash voucher
  • (300pcs) P100 cash voucher
  • 1 million worth of random VIYLine Skincare product
  • 1 million worth of random VIYLine Cosmetics product
  • Other cute random freebies

TP Kids

But wait, there’s more! Para naman sa mga nais mag order ng educational books, toys, at learning materials sa TP Kids, syempre may Pamaskong Handog din si Viy Cortez para sa inyo!

Lahat ng bibili sa official Shopee, Lazada, at TikTok shop ng TP Kids ay makakatanggap ng 12% off at isang libreng random item para sa inyong mga chikiting. 

Bukod dyan, lahat ng orders ay may tyansa ring mabigyan ng P1,000, P500, at P100 cash voucher!

Pasko sa VIYLine

Kaya ano pang hinihintay nyo? Mag add to cart na sa Shopee at Lazada o manatiling nakatutok sa official TikTok shop ni Viy Cortez pag patak ng alas-dose ng madaling araw ngayong Dec. 12!

Malay mo, pagkatapos ng araw na ito ay may bago ka ng motor, iPhone, TV at marami pang iba! Maagang Maligayang Pasko mula sa VIYLine mga kapitbahay!

Kath Regio

View Comments

Recent Posts

Mom Guilt: Pat Gaspar Gets Emotional Leaving Baby Isla for a Trip to Thailand

Kamakailan lang ay lumipad patungong Thailand ang Team Payaman girls para sa surprise bridal shower…

9 hours ago

City of Life Awards Names Viy Cortez as Entrepreneur of the Year in Biñan City

The City of Life Awards of the City Government of Biñan, Laguna named VIYLine OPC…

9 hours ago

Pat Gaspar Defends Boss Keng from Netizen Who Called Him ‘Materialistic’

Matapos ipasilip ng Team Payaman vlogger na si Pat Velasquez-Gaspar ang surpresa nito para sa…

10 hours ago

Baao Children and Youth Choir Bags Another Win in Spain Chorale Fest

The Bicolano pride, Baao Children and Youth Choir is back in the Philippines after winning…

1 day ago

Here’s What Went Down During Team Velasquez’s Mother’s Day Celebration

Pagkabalik mula sa Thailand para sa surprise bridal shower kay Viy Cortez, nagsama-sama ang Pamilya…

1 day ago

Boss Toyo’s Partner Shares Successful IVF Journey: It’s a Baby Boy!

“Walang katumbas na saya ang maging isang ina.”‘Yan ang sinabi ng nobya ng vlogger at…

3 days ago

This website uses cookies.