Cong TV Take Viewers to Singapore Trip with Viy Cortez and Baby Kidlat

“Ito ang dahilan kung bakit walang upload ng isang buwan.”

Ito ang bungad ni legendary YouTube vlogger Cong TV  sa kanyang bagong vlog kung saan ipinasilip nito sa kanyang 10.9 million subscribers ang biyahe sa Singapore kamakailan lang. 

Ang nasabing out of the country trip ay ang unang biyahe nila ng nobyang si Viy Cortez sa ibang bansa kasama ang panganay nila na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat. 

Bitbit ang kanyang vlogging camera, masayang dinokumento ng 31-anyos na vlogger ang nasabing bakasyon. Pero para mas maging exciting, nagdala rin si Cong TV ng isang polaroid camera at hinamon ang sarili na kumuha ng sampung litrato na magiging souvenir nito sa kanilang Singapore trip. 

Family Trip

Bukod sa mag-inang Viy at Kidlat, kasama rin ni Cong TV sa biyahe ang kanyang mga magulang at nakababatang kapatid na si Venice Velasquez.

“Sobrang saya kasi lahat naman siguro ng anak pangarap sa magulang nila ‘to, yung makasama sila mag biyahe abroad”

“At sobrang swerte ko kasi nagagawa ko para sa kanila ‘to nang malakas pa sila,” dagdag pa nito. 

Ibinahagi rin ni Cong TV ang unang beses na sumakay sa eroplano ang limang buwang gulang na si Baby Kidlat. 

Sa kabila ng takot ng first-time dad na umiyak si Kidlat sa gitna ng apat na oras na biyahe, nanatili itong kalmado sa tulong ng madalas na pagpapa-breastfeed ni Viviys. 

Ayon kay Cong, nagtungo sila sa “Lion City of Asia” para makadalo si Viy Cortez sa isang Singapore expo na makakatulong sa kanyang negosyo. 

Pero dahil bitbit ang kanilang panganay, hindi naging madali ang paglabas-pasok ni Viviys sa convention para mapa-breastfeed si Kidlat. 

“Importante ang convention na ‘to para kay Viy, pero wala ng mas importante pa sa mundong ibabaw na ito para kay Viviys kundi si Kidlat.”

Singapore Trip

Samantala, ipinasilip din ni Cong TV ang ilang pasyalan na pinuntahan ng kanilang grupo gaya ng Marina Bay Sands, Merlion Park, ilang sikat na hawker centers sa Singapore. 

Matapos ang trabaho, ipinasyal naman nina Cong at Viy si Kidlat sa Universal Studios Singapore kung saan kinagiliwan nito ang mga Minion mascots. 

Sinubukan din ni Cong TV na magtungo sa Google office sa Singapore – ang kumpanya na aniya’y nagbago ng kanyang buhay. 

“Salamat pa rin sayo (Google), dahil sayo nakapunta kami sa Singapore,” ani Cong TV. 

At dahil nabitin sa kanilang 4-days 3-nights na bakasyon sa Singapore, nagpasya ang grupo na i-extend ang kanilang biyahe at magtungo ng karatig bansa na Malaysia. 

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Here Are the Top 5 Things to Do in Baguio ft. VIYLine MSME Caravan

Planning a trip to Baguio this week, but not sure what activities to try? Don’t…

2 days ago

CHALLENGE ACCEPTED: Angeline Quinto & Viy Cortez-Velasquez’s Showdown of Vocals and Kitchen Skills

Matapos gumawa ng chocolate cake para sa kanilang mga chikiting, muling nagharap aktres at singer…

2 days ago

Proof that Mommy Riva and Athena Are The Ultimate Mom-Daughter Duo

Bukod sa pagiging aktres, dancer, at vlogger, isa rin ang pagiging hands-on mommy sa mga…

2 days ago

This is How Ellen Adarna Champions Mental Health

Trigger Warning: This article contains sensitive topics related to mental health that may trigger some…

2 days ago

Jai Asuncion’s Top 3 Must-Try Food Stops in Binondo, Manila

Matapos ang matagal na pahinga sa pag-vlog, muling nagbabalik ang content creatorna si Jai Asuncion…

3 days ago

Zeinab Harake & Ray Parks Wow Supporters With Romantic Prenup Video

They say love comes when you least expect it—at the right time, with the right…

3 days ago

This website uses cookies.