Hinikayat ng netizens ang legendary comedy actor na si Empoy Marquez na bisitahin ang pinakasikat at pinakamalaking grupo ng content creators sa bansa, ang Team Payaman.
Ito ay matapos makita ng netizens ang swabeng collaboration nina Empoy at Team Payaman member Anthony Jay Andrada, a.ka. Yow.
Sa kanyang bagong vlog na pinamagatang “Sing Along W/ Yow,” ibinahagi ni Empoy ang naging jamming session nila ni Yow habang nagpapalipas ng oras.
Gamit ang gitara ni Yow, inawit ng dalawa ang ilan sa mga acoustic favorites gaya ng “Ako’y Sa’yo at Ikay Akin” ng Iaxe, “Can’t Cry Hard Enough” ng The Williams Brothers, at “Ipagpatawad Mo” ng VST & Company.
Magkatrabaho ngayon sina Yow at Empoy sa pinagbibidahan nilang Net 25 series na “Ano’ng Meron Kay Abok.” Kasama nila sa nasabing sitcom ang iba pang artista gaya nina Alexa Miro, Nico Locco, Nico Nicolas, Yuki Takahashi, Anthony Ocampo, at Sofia Isabel.
Mapapanood ang “Ano’ng Meron Kay Abok” tuwing Sabado, alas-siyete ng gabi sa Net 25.
Matapos mapanood ang nasabing collab nina Yow at Empoy, kanya kanya namang hikayat ang netizens na isama ni Yow ang 41-anyos na aktor sa Payamansion.
Ayon sa netizens, tiyak na magiging masaya ang vlog kung magkasama ng Team Payaman ang tinaguriang “Millennial Leading Man” ng showbiz.
Messenger of Love: “Empoy sa payamansion I 100% agree”
Empoy Jordan: “nice collab..sana maisama ni yow minsan si empoy sa payamansion..hehe”
German Nunez: “Mr.Content Material(Yow)+Mr.Swabe(Empoy)=SOLID”
Junatan OFFICIAL: “Idol empoy! Sana isama ka ni yow sa payamansion”
Darryl James Marquez: “kelan kaya pupunta si empoy sa payamansion para maka jamming nya ung ibang member ng tp hahahh laftrip to”
Joy Tejam: “Bakit parang magkamukha kayo? Hehe.. Kung hindi ako fan ng team payaman, iisipin ko kapatid siya ni Empoy”
Watch the full vlog below:
Road to clear skin naman ang sunod na isinagawa ni Pat Velasquez-Gaspar matapos maabot ang…
Valentine’s Day is just around the corner, and it’s the perfect time to score personalized…
Isa na namang feel-good vlog ang hatid ng Team Payaman cook na si Jaime Marino…
The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…
Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…
Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…
This website uses cookies.