Pamilyang Payaman’s Triple Celebration Bonanza!

Nagmistulang “Celebration of all Time” ang naganap na okasyon noong Oktubre 27, 2022 na kung saan ipinagdiwang ang tripleng selebrasyon ng kaarawan ni Lincoln “Cong” Velasquez, kaarawan ng kanilang alagang aso na si Cheesecake at ang binyag ni Zeus Emmanuel “Kidlat” Velasquez. 

Sa bagong upload na vlog ni Viy Cortez na number 1 trending ngayon sa YouTube, ibinahagi niya ang ilan sa mga makasaysayang kaganapan na siyang kinasabikan ng mga netizens.

SUPERB PREPARATION FOR A SUPERB BABY

Magmula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking detalye ng kaganapan ay sadyang tinutukan at pinaglaanan ng oras at pagsisikap ng mga napiling suppliers ni Viy Cortez. 

At dahil nga lubos na nagustuhan ni Viy ang naging bunga ng preparasyon, hindi ito nag-atubiling ibahagi rin sa mga netizens ang mga pangalan ng kanyang suppliers. Bahagi rin ng pagtitipon ang kaniyang mga negosyong TP Kids at ang Tea Talk Franchised by Viy Cortez na siyang kinatuwa ng mga bisita.

AMAZING CELEBRATION IT IS

Sa nasabing vlog, nasaksihan ng lahat ang kasiyahan at pagmamahal ng kanilang mga pamilya at kaibigan na dumalo. Sa SDE rin na ibinahagi ni Viy, nagdala ito ng makapukaw-damdamin na emosyon para sa lahat. 

Bumuhos ang samu’t-sari at taos pusong pagbati at suporta hindi lamang ng mga taong personal na pumunta ngunit maging ng mga netizens na siyang naging kaisa ng magkasintahan sa selebrasyon ng binyag ni Kidlat. 

Labis rin ang taos-pusong pasasalamat ng magkapareha sa lahat ng naging parte ng isa sa pinaka hindi malilimutang pagdiriwang ng magkasintahan.

AWAY WITH THE GIFT WRAP!

Sa huling bahagi ng vlog, ipinasilip din ni Viy ang mga regalong natanggap ni Cong TV at Baby Kidlat mula sa nagdaang selebrasyon. Makikita ang kagalakan na kanilang naramdaman habang nagbubukas ng mga regalo at muling nagpasalamat sa lahat ng nagbahagi ng pagpapala sa kanilang sambahayan. Sa ngalan ng Viyline Media Group, muli naming pinapaabot sa ating pawerful family ang aming pagbati!

Claire Montero

Recent Posts

Bring Your Family and Creativity Together This Christmas with TP Kids

The holiday season is all about creating joyful memories with family, and TP Kids has…

10 hours ago

Vien Iligan-Velasquez Shares Snippets of Mavi’s 7th Birthday Celebration

Sa bagong vlog ni Vien Iligan-Velasquez, ibinahagi niya ang emosyonal at masayang selebrasyon ng ika-pitong…

20 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Challenges Sexbomb Girls in Kitchen Showdown

Hindi hatawan sa dance floor, kundi hatawan sa kusina ang hatid ng Team Payaman vlogger…

20 hours ago

Netizens Giggle Over Kidlat and Viela’s Cute Bonding Moments

Good vibes at ‘balls of sunshine’ kung tawagin ang magpinsan na sina Alona Viela at…

20 hours ago

Buy More, Slay More with Viyline Cosmetics’ Exclusive Holiday Lip Treat

It’s the season to be festive, and your makeup look should reflect the joy and…

21 hours ago

Ivy Cortez-Ragos Shares Easy Wais-Linis Hack with Twice Cleaner

Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Ivy Cortez-Ragos ang isang praktikal at wais na DIY…

2 days ago

This website uses cookies.