Viy Cortez Stuns in ‘New Fashion Style’ at #SHEINTakesPH

Nagpasabog ng kagandahan at trendy fashion si Viy Cortez na pagbubukas ng pop-up showroom ng kilalang online clothing store na Shein Philippines. 

Game na game na dumalo ang vlogger/entrepreneur sa kauna-unahang physical store ng Shein sa Ayala Malls Manila Bay na binuksan sa publiko mula Oct. 21-23, 2022. 

Hatid ng VIYLine Media Group (VMG) ang exclusive behind-the-scenes mula sa nagdaang #SHEINTakesPH.

Hi mga Viviys!

Dinagsa ng mga taga-suporta ang 26-anyos na vlogger sa kanyang pagdalo sa Shein Philippines pop-up store nitong Oct. 21 sa Ayala Malls Manila Bay.

Matapos ang higit na dalawang taong sa pandemya, muling bumawi ang si Viy Cortez sa kanyang mga taga suporta o mas kilala sa tawag na mga Viviys. 

Game na game na  nakipag-chikahan ang first-time mom sa kanyang mga taga-suporta na ikinatuwa naman ng mga nakasalamuha nito.

Bukod sa kanyang mga minamahal na mga fans, present din sa nasabing event ang ilan sa mga kilalang TikTok Influencers gaya nina Dani Barretto, Nicole Caluag, Lynel Lopez, Claudette Ferrer, Katrina Ermino, at marami pang iba.

Abangan sa official TikTok account ni Viviys ang ilan pang mga kaganapan sa nasabing event. 

Viy’s new style

Matapos ipanganak ang cute na panganay nila ni Cong TV na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Baby Kidlat, fashionista momma na ulit ang peg ni Mommy Viy. 

Sa nasabing event, nabanggit ni Viviys na muli siyang nag-eksperimento sa kanyang fashion style, dahilan upang umani ng kaliwa’t-kanang papuri ang mga OOTD (outfit of the day) posts nito sa kanyang social media accounts. 

Dazzling in pink checkered coordinates ang longtime girlfriend ni Cong TV . Ayon kay Viviys,  “school girl” ang kanyang peg sa nasabing event. 

Dagdag pa nito, tila “life of the party” ang kanyang bagong style dahil bukod sa makulay na kasuotan, ay swak dito ang kanyang masayahing personalidad na patuloy na minamahal ng kanyang manonood. 

Yenny Certeza

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Turns Japan Trip Into a Special Experience for Ate Mina

Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…

1 day ago

MassKarambulan: Team Payaman Wild Dogs Take Over Bacolod with Mountain Dew

Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…

1 day ago

Dudut Lang Exposes the Truth Behind His 11-Year Relationship and Team Payaman on ‘Galit-Galitan Podcast’!

Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…

1 day ago

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

3 days ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

5 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

5 days ago

This website uses cookies.