The Boss Keng Prank: Cong TV Once Again Proves Why he is ‘The Greatest Prankster’

Muli na namang pinatunayan ni legendary YouTube vlogger Cong TV na hindi lang siya basta-bastang content creator. Lahat ng kanyang video uploads ay pinag-isipang mabuti para magbigay aliw at aral sa kanyang higit 10.6 million subscribers. 

Sa kanyang bagong vlog, tila muli din pinanindigan ni Lincoln Velasquez na siya pa rin ang nag-iisang “Greatest Prankster” sa mundo ng YouTube Philippines. Ito ay matapos i-prank ang kaibigan, kapwa Team Payaman member, at bayaw nitong si Christian Ezekiel Gaspar, a.k.a Boss Keng. 

Kung namiss nyo na ang mga henyong prank ni Bossing Cong TV, siguradong hindi mo dapat palampasin ang kaganapang ito. 

Oplan hanap venue

Sa vlog na pinamagatang “Siargonecho,” ibinahagi ng 30-anyos na vlogger kung paano siya nagpatulong sa Team Payaman Wild Dogs para maghanap ng venue para sa selebrasyon ng kanyang nalalapit na kaarawan. 

Kasama sina Yow Andrada, Aaron Macacua (Burong), Michael Magnata (Mentos), at Jude the Barber, inaya ni Cong si Boss Keng na samahan syang maghanap ng venue sa Bicutan. Lingid sa kaalaman ng grupo na nakatakda pala itong lumipad patungong Siargao Island kasama ang misis na si Pat Velasquez-Gaspar at iba pang Team Payaman. 

Sa kasamaang palad, hindi lang pala sa Bicutan nais maghanap ng venue ni Cong TV at inabot ang grupo sa Batangas. 

Noong una ay umaasa pa si Boss Keng na aabot ito sa flight nila ng alas dos ng tanghali, ngunit kalaunan ay tuluyan na itong iniwan ng kanyang misis. 

“Pag nagalit na naman sakin yung asawa ko. Pinaliligo na nga ako nun kanina eh! Tapos nung ikaw ang tumawag sabi ‘Ang bilis mo pag si kuya ha?’” ani Boss Keng.

Pero bwelta naman ni Cong TV, gusto lang nya magpasama kay Keng at iparanas ang mga ginagawa nito sa mga kasama sa vlog. 

“Eh di para marasanas mo yung ginagawa mo sa kanila! May series kasi si Boss Keng na kung saan lahat ng empleyado nya tinatakas nya!” biro ni Cong TV.

It’s a prank!

Pagdating sa kanilang destinasyon kumain muna ang tropa bago sumakay ng bangka para sumabak sa isang Mayon Volcano tour. 

Sa puntong ito ay tila tanggap na ni Boss Keng ang kanyang kapalaran na maiwan ng eroplano kaya naman nag-enjoy na lang ito kasama ang tropa. 

Pag-uwi ng Payamansion ay tuluyan na ngang nakaalis ang Siargao crew kasama ang misis ni Boss Keng. Pero lingid sa kanyang kaalaman, planado pala ang lahat…

Watch the full vlog below:

Kath Regio

Recent Posts

Tita Krissy Achino Spills Tea in Michelle Dy’s Latest Makeup Vlog

Isang masayang chikahan at masinsinang makeup session ang hatid ni Michelle Dy kasama ang isa…

2 hours ago

The Sweetest Mother’s Day Messages Penned for Team Payaman Moms

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ang araw ng mga ina kung saan hindi nagpahuli ang ilang…

4 hours ago

Viy Cortez-Velasquez’s Summer Essentials: Stay Cool with SNAKE Brand by Viyline

Hot, sticky, and sweaty — that’s how the summer season in the Philippines usually feels.…

6 hours ago

EXCLUSIVE: Score Amazing Mother’s Day Deals from Viyline

Our moms, grandmothers, and even those who serve as mother figures in our lives deserve…

3 days ago

Anti-Higad Squad Core: Unforgettable AHS Moments That’ll Make You LOL

Isa ka rin ba sa mga sumubaybay sa YouTube livestream era ng Team Payaman vlogger…

5 days ago

Doc Alvin’s Secret to Younger-Looking Skin, Revealed!

Hindi na lingid sa ating kaalaman ang mga hamon na kinakaharap ng ating balat araw-araw.…

5 days ago

This website uses cookies.