LOOK: Daddy Cong Reads Baby Kidlat Bible Story from TP Kids

Hindi na talaga maaawat ang pagpapasabog ng ka-kyutan ng unico hijo nina YouTube power couple Cong TV at Viy Cortez.

Simula nang ipanganak ni Viy si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat, wala na atang magawa ang netizens kundi mag-abang at manggigil sa taglay na ka-kyutan ng YouTube baby ng taon. 

Kamakailan lang ay naantig ang puso ng maraming netizens sa nakakatuwang bonding moments ng mag-ama. 

Bible Story with Daddy Cong and Baby Kidlat

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng 26-anyos first-time mom ang bagong bonding nina Daddy Cong at Baby Kidlat. 

Sa nasabing video, makikita ang 30-anyos na first-time dad na binabasahan ng libro ang kanyang unico hijo. Animoy naiintindihan ng higit tatlong buwang gulang na si Kidlat ang kwento ng kanyang daddy. 

“Jonah stayed there for three days and three nights. Ay! Parang nag Amanpulo si Jonah doon sa ano, sa tiyan ng whale noh?” ani Daddy Cong, na sya namang sinangayunan ni Baby Kidlat. 

“Si Jonah nagdasal siya at nagpasalamat siya sa Panginoon kasi niligtas siya. ‘Di ba dapat magpasalamat ka kasi buhay ka pa eh, ‘di ba?” pagpapatuloy ni Cong. 

Ayon kay Mommy Viy, naaliw talaga si Baby Kidlat sa tuwing binabasahan siya ng libro. 

Sa ngayon ay umani na ng 3.1 million ang views ng nasabing video, at mayroon din itong higit 18,000 shares. 

Ikinatuwa ng netizens ang bonding ng mag-ama, lalo pa’t kwento mula sa Bibliya ang napili ni Cong na basahin para kay Kidlat. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Jadica Buena: “Nakakakilig pakinggan how the father shares the story of Jonah to his child ! C’mon! We need more content like this! The world is getting evil and evil and we should direct our children to the Word of GOD.” 

Sahara Sonaco: “One of the best Bible stories. Jonah and the Whale.”

Ana Marie Cagurangan: “Love it! Good daddy, Sir Cong! Sana lahat ng tatay nagkwekwento ng mga stories from the Bible para ma-inspire ang mga anak. Ipagpatuloy nyo lang po hanggang sa paglaki ni Kidlat para paglaki nya ay magkaroon sya ng takot at tiwala sa Diyos.”

Raquel Aguilar Tumamao: :Sabi nga sa Bible, ‘Train up a child the way he should go, and when he is old,he will depart from it.’ Proverbs 22:6.”

Bible Story Books

Ang binasang libro ni Cong TV kay Baby Kidlat ay kwento mula sa “Smart Babies – Bible Story Board Books.”

Naglalaman ang storybook case na ito ng apat na libro na may kwento tungkol kina Jonah, Daniel, Noah, at Jesus, na hango sa kwento sa Bibliya. Mayroon itong makukulay na larawan na tiyak na ikakatuwa ng mga chikiting. 

Ang “Smart Babies – Bible Story Board Books” set case at iba pang educational books at learning materials ay mabibili sa official Shopee, Lazada, at TikTok shop ng TP Kids. 

Likes:
0 0
Views:
1229
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *