Team Payaman’s Bok Becomes ‘Barista for a Day’

Matapos ipasilip ang dibdibang Barista Training kasama ang ilang Team Payaman boys, oras na para ipamalas ni Carlos Magnata, a.k.a Bok, ang natutunan nito sa nasabing crash course. 

Sa kanyang latest vlog na pinamagatang “Apply Barits,” ibinahagi ni Bok ang mala “Barista for a Day” experience niya sa tulong ng 4102 Cafe sa Parañaque City. 

Natanggap naman kaya si Bok sa kanyang unang inapplyan bilang barista?

The Preparation

Bago sumabak sa paghanap ng mapapasukan bilang Barista, inihanda muna ni Bok ang mga kakailanganin nito sa pag-a-apply. 

Sa tulong ng kapwa Team Payaman member na si Steph Anlacan, a.k.a Mau, gumawa ng resume si Bok na karaniwang hinahanap sa mga job application at interview. 

Kinabukasan ay diretso na sa paghahanap ng mapapasukan na coffee shop si Bok at napadpad nga ito sa 4102 Cafe. Agad siyang kinapanayam ng may-ari ng nasabing negosyo at nagsimula sa kanyang trabaho bilang barista. 

Barista for a Day

Para sa kanyang unang araw sa trabaho, pinagsilbihan ni Bok ang mga dine-in customers na nag-order ng Iced Mocha. Si Bok mismo ang gumawa ng nasabing order na siya namang nagustuhan ng mga customers. 

“Isa na namang customer ang nag-enjoy at natuwa,” ani Bok matapos gawin ang drinks ang iba pang customer. 

“Ayun ang importante paggumawa ka ng isang product, kailangan satisfied ang inyong customer. Happy to serve!” dagdag pa nito.

Samantala, ang ibang dine-in customer naman ay nag-request pa na mismong si Bok ang gumawa ng kanilang mga order na kape. 

Bukod sa paggawa ng kape, game na game ding sumabak din si Bok sa paghatid ng mga delivery orders. Dahil dito ay naranasan din ni Bok na magmaneho ng E-Bike sa unang pagkakataon. 

At dahil kilalang miyembro ng Team Payaman, may libreng selfie at shoutout din ang mga customer ni Bok. 

Watch the full vlog below: 

Likes:
0 0
Views:
1304
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *