Dalawang taon matapos pumanaw dahil sa sakit na leukemia, nananatiling buhay ang alaala ni Emman Nimedez para sa Team Payaman.
Sa ikalawang taon ng pagkawala ng tinaguriang “Pambansang Oppa” ng Pilipinas ay kanya-kanyang pag-alala ang ginawa ng Team Payaman kay Emman.
Nangunguna na dyan ang ever-supportive na ama ni Emman na si Daddy Louie Nimedez sa isang Facebook post.
“Maraming maraming salamat po sa inyong lahat Cong, Junnie Boy, Direk Titus, Awi, Kiyo, Alisson, Boss Keng, Yow, at sa lahat po na kasama sa video, mga nasa likod ng camera, at mga tumulong upang maisagawa ang huling kanta ni Idol Emman” ani Daddy Louie patungkol sa music video ng unreleased song ni Emman na “Simula.”
Bagamat pumanaw sa murang edad ay nag-iwan ng malaking marka si Emman sa larangan ng vlogging. Tumatak ang kaniyang karakter at talento sa milyon-milyong tagahanga ng Team Payaman.
Bukod sa vlogging, kilala rin si Emman sa kanyang talento sa paggawa ng short films, music videos, at maging bilang isang musikero. Katunayan, limang buwan bago pumanaw ay nakapag release ito ng kanyang unang kanta na “Teka Lang” na ngayon ay mayroon ng higit 40.1 million views sa YouTube.
Bago pumanaw ay nagsilbi rin bilang Creative Director ng Tier 1 Entertainment at nakatakdang gumawa ng ilang proyekto kasama ni Tier 1 co-founder Tryke Gutierrez.
Emosyonal naman ang ilang kaibigan ni Emman dahil sa nilabas na music video ng kantang “Simula,” na sinulat mismo ni Emman ngunit hindi na naisapubliko.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Viy Cortez na alinsunod sa pangalan ni Ninong Emman ang pangalan ng panganay nila ni Cong TV na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Baby Kidlat.
“Grabe ang iyak ko dito [sa music video]. Miss you Emman, love you! Bantayan mo lagi si Kidlat ha lalo na kapangalan mo ang inaanak mo.”
Samantala, nagbahagi rin ng kanyang mensahe ang direktor ng nasabing music video na si Titus Cee.
“Isang umaga ako’y nagising galing sa panaginip ng mapansin ko ang mga mata ko na galing sa pagkakaiyak. Mga luha na iyong dinala tols. Mensahe na binigay mo sa mga tao. Hindi ka man namin kasama ngayong pisikal pero nasa tabi ka namin palagi. Sana hindi ka namin binigo, salamat sa mensahe mo para sa madla!” pahayag ng direktor.
Sa kabilang banda, nagpahatid naman ang mga netizens ng kanilang pagalala sa yumaong YouTube content creator.
Carl Justine Samonte Guinto: “Ang gaganda na siguro lalo ng mga obra mo ngayon idol. I love you idol!”
Antonio Bathan: “Miss you, man! Habangbuhay maaalala ang tulad mong alamat!”
Rowena Gobris: “Every single day, pinapatugtog ko pa rin mga kanta mo. Walang mintis kaya sobrang saya ko may isa pang habol na madadagdag sa pang araw-araw ko. Miss na miss kita, Emman!”
Tough Mama is known for its durable, reliable, and affordable home appliances, making it a…
Kamakailan lang ay ginanap ang garden wedding ng Team Payaman members na sina Burong at…
In this technological age, digital signage is vital in delivering dynamic messages and information to…
Having a healthy lifestyle doesn’t just start with adults alone; even kids can now embark…
Isang makulay na kabanata ang ibinahagi ng Velasquez-Gaspar Family sa pinakabagong YouTube vlog ni Mommy…
Bilang pagdiriwang ng ika-anim na kaarawan ng panganay nina Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez na…
This website uses cookies.