Cong TV and Viy Cortez Decline Breastmilk Donation for Kidlat Because of THIS!

Bumuhos ang donasyon ng breastmilk para sa panganay nina Cong TV at Viy Cortez. Ito ay matapos mapanood ng netizens ang vlog ni Cong, kung saan ipinakita ang pinagdaanan nila para mabigyan ng gatas ng ina si baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez, a.k.a Kidlat.

Sa latest vlog ni Cong TV, sinabi ng YouTube power couple na bagamat ayaw nilang tanggihan ang mga nais magbahagi ng breastmilk kay Baby Kidlat, hindi nila ito matatanggap lahat. 

Pero bakit nga kaya pinili ng dalawa na tanggihan ang napakaraming breastmilk donation?

Overflowing support

Binaha ng suporta ng kaniyang kapwa mommies si Viviys matapos malaman na tila hirap ito sa kaniyang breastmilk production. 

Sa nasabing vlog, hindi lang isa ngunit dalawang ina ang kusang loob na nagbigay ng kanilang breastmilk para kay Kidlat. Ang unang package na isang cooler na puno ng frozen breastmilk ay personal pang dinala sa Payamansion.

Samantala, ang ikalawang donasyon naman ay mula sa isang ina na nagbubuntis pa lang ngunit sagana na sa breastmilk. 

Lubos lubos ang pasasalamat nina Cong at Viy sa mga nais tumulong para mabigyan ng masustansyang gatas ng ina ang kanilang unico hijo. 

“Anak, ang dami mo ng gatas! Grabe ang dami!” ani Viy Cortez. 

“Thank you, guys! Grabe nakaka-touch naman yan!” dagdag pa nito. 

Priority donation

Ayon sa 26-anyos first-time mom, marami ng nagpahayag ng kanilang kagustuhang mag-donate ng gatas para kay Kidlat. Pero hindi nila magawang tanggapin lahat dahil alam nilang mas maraming nangangailangan nito kaysa kay Kidlat. 

“Hindi dahil sa ayaw namin tanggapin, pero kasi ang gusto lang sana namin ni Cong is yung sapat para kay Kidlat,” paliwanag ni Viviys. 

“Maraming nangangailangan as of the moment, ngayon mismo. Mga premature (babies) saka mga nawalan ng mga mommies,” dagdag pa nito. 

Kaya naman, imbes na magtambak ng breastmilk donation para sa kanilang panganay ay hinikayat nina Cong at Viy ang mga donors na magtulong tulong at idonate sa Human Milk Bank ang kanilang sobrang supply ng gatas.  

“Tulungan natin yung mga premature babies, kasi bilang isang ama napakahirap yung nasa ganung sitwasyon,” dagdag pa ng 30-anyos na first-time dad. 

Samantala, masaya ring ibinahagi ni Cong na unti-unti ng lumalakas ang milk production ni Viviys matapos ang successful tongue-tie laser surgery ni Baby Kidlat. 

Watch the full blog below:

Likes:
0 0
Views:
1359
Article Categories:
VIYLINE ENTERTAINMENT NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *