Kidlat is Home: Team Payaman Welcomes Baby Kidlat in Payamansion

Excited na sinalubong ng buong Team Payaman ang pinakabata at pinaka cute na bagong miyembro ng kanilang pamilya sa Payamansion, walang iba kundi ang panganay nina Cong TV at Viy Cortez na si Baby Kidlat. 

Sa ikalawang yugto ng kanyang birth story vlog, ibinahagi ng 25-anyos na vlogger ang kanilang mga unang araw kasama si Baby Zeus Emmanuel Cortez Velasquez. 

Bakas sa mata ng magkasintahan ang galak sa pagsilang ni Kidlat at hindi alintana ang pagod at puyat sa pag-aalaga ng kanilang unico hijo. 

Daddy Cong on duty

Sa unang araw ni Kidlat napasabak agad sa pag-aalaga ang kanyang Daddy Cong dahil kailangan pang magpahinga ni Mommy Viy matapos sumailalim sa Cesarean birth. 

Halatang kabado pa ang 30-anyos YouTube star kung paano aalagaan o bubuhatin manlang ang sanggol. Pero nang turuan ng nurse ay agad namang lumabas ang natural instict ni Cong bilang ama. 

“HIndi ko alam kung anong gagawin ko. Parang may kailangan akong gawin, pero wala naman,” pag-amin ng first-time-dad.

“Nasa day 1 palang kami ni Viviys, so long way to go. Ang sarap namnamin ng mga susunod na mangyayari. Yung puyat… I’m ready! I was born for this,” dagdag pa nito.

Matapos ang dalawang gabing puyatan at pag-aalaga kay Kidlat ay oras na para iuwi nila ito sa Payamansion. Pero habang pauwi, isang realization ang binahagi ni Cong TV na tiyak na makaka-relate ang lahat ng ama at ina. 

“Yung pagod ka pero nakangiti kang pagod. Lahat mahirap, pero lahat yon ginagawa mo ng nakangiti, lahat yon ginagawa mo ng masaya. Si Kidlat lang ang nakagawa samin non.”

Meet the titos and titas

Kabilang sa mga unang bisita ni Baby Kidlat sa Asian Hospital and Medical Center ay ang mga kapatid ni Cong TV at kapwa Team Payaman members na sina Junnie Boy at Pat Velasquez-Gaspar. Kasama na ang kanilang mga asawa na sila Vien Iligan-Velasquez at Boss Keng. 

Hindi rin maitago ang gigil ng mga tito at tita ni Kidlat na handa na syang alagaan at buhusan ng pagmamahal. 

“Ang cute! Kamuka ni Viviys!” ani Junnie Boy. 

“Singkit! Chinito!” dagdag naman ni Vien na ngayon ay apat na buwan na ring buntis sa kanilang second baby ni Junnie. 

Ayon naman kay Tita Pat: “Huy napaka pogi talaga, promise!”

“Hindi ako makapaniwalang kay Bossing galing yan! Ang pogi nyan, Mossing!” biro naman ni Boss Keng. 

Pag-uwi ng Payamansion ay masayang sinalubong ng buong Team Payaman si Baby Kidlat.

Kidlat face reveal

Matatandaang isang linggo matapos isilang si Baby Kidlat ay opisyal ng pinakilala ng YouTube power couple ang kanilang panganay sa netizens. 

Sa kauna-unahang pagkakataon ay pinasilip ni Cong TV ang kanilang unico hijo sa pamamagitan ng top-trending vlog na pinamagatang “Tingin.” 

Caught on camera ang cute na smile ni Baby Kidlat na siya ring umani ng mga papuri at gigil mula sa netizens. 

But wait, there’s more! Nagpost din si Mommy Viy ng bagong pictures ng kanyang mag-ama. Kitang-kita ang bungisngis shot ni Baby Kidlat habang kalong ni Daddy Cong. 

“Parehas tayo Kidlat, anak. Nakabungisngis pag kausap ang daddy!” 

Post-partum selfie

Samantala, sa isang Facebook post, nagpakatotoo naman si Viy Cortez sa estado ng kanyang buhay bilang first-time-mom. 

“Itsura ng nagpapadede, may tahi, nangangapa pa pano ba dapat ang tamang gawin,” ani Viy kalakip ang isang selfie na malayo sa karaniwan nating nakkikitang postura na Viy Cortez.

“Okay lang yan bawi nalang sa mga susunod na buwan mahalaga healthy si baby. Alam ko naman mahal ako ni cong at ni kidlat kahit ang panget ko ngayon hahaha,” dagdag pa nito. 

Ayon kay Viy, babawi siya sa kanyang sarili, pero sa ngayon ay itutuon muna nya ang lahat ng lakas at atensyon kay Baby Kidlat.

To the rescue naman si Daddy Cong at sinabing maganda pa rin si Viviys kahit anong mangyari. Todo rin ang suporta ng kapatid nitong si Ivy Cortez-Ragos, maging ang bilas na si Vien Iligan-Velasquez at kaibigan na si Tin Piamonte. 

Yenny Certeza

Recent Posts

Team Payaman Wild Cats Share Life Revelations in Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog

​ Hindi lang busog ang tiyan kundi busog din sa rebelasyon ang mga manonood matapos…

7 days ago

Make Every Summer Trip Extra Flavorful with King Sisig in a Jar

Summer is all about sunshine, road trips, beach days, and food adventures — but finding…

1 week ago

Cong TV Takes On Extreme Fishing Challenge For Wife’s Tuna Cravings

Isang legendary vlog ang hatid ng Team Payaman Wild Dogs, Y Kulba, at Team Harabas…

1 week ago

Team PYMN Clothing Drops Two New RawBlock Collection Designs

Cong TV’s clothing brand, known as ‘Team PYMN,’ officially added two more designs to its…

1 week ago

CARambola EP 2: Netizens Poke Fun Of Viy Cortez-Velasquez Latest Vlog Collaboration

Isang hindi inaasahang pagsasama-sama ng iba’t ibang personalidad ang mapapanood sa bagong episode ng vlog…

1 week ago

Rally with Team Payaman’s Pat and Keng at the Playhouse Pickle Tournament 2026

Get ready to serve, smash, and score at the highly anticipated Playhouse Pickleball Tournament happening…

2 weeks ago

This website uses cookies.