Cong TV at Viy Cortez 7th Anniversary, Naging Mukbang Marathon?

(This article is sponsored by Luxe Slim Coffee and Luxe Slim Beauty Juice)

Masayang sinalubong nina YouTube power couple Cong TV at Viy Cortez ang kanilang 7th anniversary nitong nakaraang June 17, 2022. Tila nalagpasan na ng ating favorite Team Payaman tandem ang tinatawag na “7-year-itch” sa kanilang relasyon. 

Talaga namang memorable ang okasyon na ito para sa dalawa dahil ito na ang huling anibersaryo na silang dalawa lang ang magce-celebrate. Ito ay dahil nalalapit na rin ang pinakaaabangang pagsilang ni Baby Kidlat.

Sa kabila ng busy schedule nina Cong at Viy ay nagawa pa rin nilang ipagdiwang ang kanilang anniversary sa isang sosyal na hotel sa Tagaytay City.

Staycation in Tagaytay

In a recent vlog, excited na ibinahagi ng 25-year-old entrepreneur ang mga kaganapan sa kanilang 7th anniversary ni Cong. Sinimulan ng dalawa  ang kanilang araw sa pagbati ng “Happy Anniversary, Love!” sa isa’t-isa. 

Sa isang Facebook post, malambing din binati ni Viy ang kanyang soon-to-be hubby. 

“Walang espesyal na handa wala sa espesyal na lugar di naka ayos walang magandang regalo pero sobrang saya at kuntento ko sa ano mang meron tayo mahal lalo na paparating na ang anak natin,” ani Viy kaakibat ang mga simple ngunit sweet photos nila ni Cong.

Maraming salamat sa pitong taong mahal lagi mo sakin pinaparamdam na ako lang sapat na sapat na! Happy anniv my love sa mga susunod na anniv natin may tabachingching na bata na tayong kasama,” dagdag pa nito.

Habang nagrerelax sa kanilang staycation spot, hindi naiwasan ng dalawa na isipin kung ano kaya ang magiging sitwasyon sa kanilang anniversary kung hindi dumating si Kidlat. 

“Kung hindi ako buntis ngayon, siguro nasa ibang bansa kami ni Cong. (Pero) okay na ako na andito lang sa bahay kasi nandito na si Kidlat” paliwanag ni Viy. 

Agad namang nangako si Cong na pupunta sila ng Japan para sa kanilang 8th anniversary kasama si Baby Kidlat.

Anniversary Mukbang

Dahil kabuwanan na ni Viy at nakatakda ng manganak in two weeks, very limited ang ginawang activities ng dalawa sa kanilang anniversary. 

Imbes na magpakapagod ay napili ng dalawa na mag food trip nalang ng masasarap na pagkain sa Tagaytay. 

Tila naging anniversary mukbang nga ang selebrasyon ng dalawa dahil sari-saring putahe ang kanilang nilantakan. Mula seafoods, manok, Kare-Kare, Bulalo hanggang sa legendary Tagaytay dessert na Buko Pie, tiyak na busog na busog ang dalawa pati na rin ang mga viewers!

Hindi alintana ni Viy Cortez ang pagkain ng masasarap habang buntis at deadma rin kung madagdagan ang kanyang timbang. Ito ay dahil ayon sa VIYLine CEO, ready naman na ang kanyang “balik alindog” weapon na Luxe Slim Coffee at Luxe Slim Beauty Juice. 

“Isa nanamang TRENDING na produkto ang nasa VIYLINE! Handang handa na ako sa balik alindog pagkapanganak!” ani Viy sa isang Facebook post

“Gusto mo ba mabawasan ng timbang? Sabi ng mga user ng Luxe Slim mawawalan ka daw ng gana pag uminom ka neto. Available na ang Luxe Slim by VIYLine  sa Shopee at Lazada,” dagdag pa nito. 

Ang Luxe Slim Coffee ay available in 2 flavors: Caffe Macchiato at Caffe Turmerico for only Php395. Ang Luxe Slim Beauty Juice naman Php380 para sa Four Seasons at Cucumber & Dalandan flavors. 

Bukod sa pagiging refreshing, napakarami ring health benefits ng Luxe Slim kaya naman abangan natin ang balik alindog transformation ni Viviys sa mga susunod na buwan. 

Future Home

Samantala, sa nasabing vlog, pinasilip din nina Cong TV at Viy Cortez ang kanilang magiging future home. 

“By August, sana masimulan nang mapagawa yung bahay namin ni  Cong” ani Viy at sinabing nag-iipon pa sila ng pampatayo ng bahay. 

Ayon sa soon-to-be mom, ang 5,000 sqm na lupain ay para sa tahanan ng apat na Team Payaman couples. Makakasama nila rito ang mag-asawang Junnie Boy at Vien-Iligan Velasquez, Boss Keng at Pat Velasquez-Gaspar, at ang magkasintahang Yow Andrada at Venice Velasquez. 

Kaya naman mga kapitbahay, sabay-sabay nating abangan ang unti-unting pagbuo ng bagong tahanan ng Team Payaman at ang nalalapit na pagdating ni Baby Kidlat!

Watch the full vlog below:

Yenny Certeza

Recent Posts

Boost Your Confidence in a Swipe with VIYLine Cosmetics Aqua Cream

Halfway through the year, and with the unpredictable weather, it’s best to be prepared with…

2 days ago

Malupiton and Joy Ancheta-Ravanera Welcome Their New Bundle of Joy

Masayang sinalubong ng mag-asawang Malupiton at Joy Ravanera ang pinakabagong parte ng kanilang pamilya. Tunghayan…

3 days ago

TP Kid Active Era: Kidlat Sharpens His Skills in Soccer Practice

Cuteness overload ang hatid ni Kidlat sa kanyang Spidey-soccer training na ibinahagi ng Team Payaman…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Shares Snippets of Kidlat’s and Tokyo’s Celebration

Isang buwan matapos ang kaarawan ng panganay na anak nina Viy Cortez-Velasquez at Cong TV,…

4 days ago

Viy Cortez-Velasquez Serves Classy Girl Boss Energy in Her Recent Fit Checks

Viy Cortez-Velasquez, Team Payaman’s very own "girl boss," is once again showing off fire style…

4 days ago

Team Payaman Kids’ Mavi and Viela Spend Quality Time with Their Parents

Sa simpleng sorpresa at sweet bonding moments, napasaya ng mag-asawang Junnie Boy at Vien Iligan-Velasquez…

5 days ago

This website uses cookies.