VIYLine TikTok Live Selling Special Guest, ABANGAN!

Bukod sa online shopping platforms na Shopee at Lazada, alam niyo ba na makakabili narin kayo ng VIYLine products sa TikTok?

You read that right, mga kapitbahay! Bukod sa pagnood ng mga viral dance craze, funny skits at informative contents, maari narin kayong mag shopping through TikTok shop. 

At syempre, magpapahuli ba dyan ang VIYLine Cosmetics? Having 4.3 million followers on TikTok, VIYLine CEO Viy Cortez recently jumped into the TikTok Shop craze. 

VIYLine TikTok Shop

Paano ba mag-order sa TikTok shop ng VIYLine? Simple lang mga kapitbahay, just visit Viy Cortez’s official TikTok account (@viy.cortez), click the bag button sa gitna ng kanyang profile, and start your hassle-free online shopping. 

Pagkatapos mag add to cart, i-checkout lang ang inyong mga pinamili, fill up the shipping details at mamili ng payment method from debit/credit card, GCash, PayMaya, at syempre pwede ring magbayad through Cash on Delivery (COD). 

Super easy ‘di ba? Maari rin kayong gumamit ng mga free shipping vouchers at product coupons for more discounta! 

From Monday to Saturday, nagkakaroon din ng live selling ang VIYLine TikTok Shop between 3 p.m to 4 p.m. Dito live nyong makikita ang swatches ng inyong mga napupusuang liptint at lipstick shade, at mayroon ding free demo sa iba pang VIYLine Cosmetics products. 

Ang nasabing live selling ay pinangungunahan ng VIYLine girls na sila Kha-Kha Villes, Kaye Tesorero at ang hardworking sister ni Viy na si Miss Ivy Cortez-Ragos. 

Special Guest

Ngayong darating na Sabado ay magkakaroon ng special guest ang VIYLine TikTok live selling session. Pauunlakan ang VIYLine girls ng butihing ina ni Viviys para maghatid ng entertainment during the 1-hour live selling session. 

Abangan kung ano bang magiging pasabog ni Mrs. Imelda Cortez a.k.a Mama Wow sa TikTok live selling bukas, June 4, 2022. 

A Mother’s Love

Sa isang Facebook post ni Miss Ivy Cortez-Ragos, pinayuhan ni Mrs. Cortez ang kanyang tres marias na patuloy na magtulungan at suportahan ang isa’t-isa ano man ang sabihin ng ibang tao. 

“My dearest Ivy, Viy and Yiv-continue helping and supporting each other. Magtiis, magtiis, magtiis, magtiis at magtiis. GOD IS WATCHING US.”

Dito rin binuking ni Mr. Rolando Cortez a.k.a Papa Wow ang nakatakdang pagsama ng kanyang maybahay sa TikTok Shop efforts ng VIYLine.

“ITO TUTULONG NA RIN SA TIKTOK! As in mother’s love dahil manganganak na si Viy Cortez tulong din daw siya sa Tiktok Shop ni Viy. Abangan ang kanyang guesting at pagkanta ng mga lumang tugtuging ihahatid sa inyo.

Sabay-sabay nating abangan bukas ang pasabog na performance ni Mrs. Cortez bukas na tiyak na magpapa-add to cart sa inyong lahat!

https://www.facebook.com/viylineskincare
Kath Regio

Recent Posts

Viy Cortez-Velasquez Spills the Truth About ‘Congpound’ in Latest Vlog

Kamakailan, ibinahagi ng Team Payaman vlogger na si Viy Cortez-Velasquez ang kanyang bagong vlog, na…

5 hours ago

Viy Cortez-Velasquez Takes Sisters On A ‘Tres Marias’ Foodtrip Date

Isang masaya at nakakabusog na mini foodtrip vlog ang hatid ng magkakapatid na Viy Cortez-Velasquez,…

8 hours ago

Start 2026 on a Fresh Note with Perfect Scent by Viyline

The new year is the perfect time to refresh not just your routines, but your…

8 hours ago

Former Team Payaman Editor Carlo Santos Shares a Family Milestone

Ngayong taon lamang ay ibinahagi ng former Team Payaman editor na si Carlo Santos ang…

8 hours ago

Viy Cortez-Velasquez and Cong TV Take On Full-Time Parenting for a Day

Isang masaya at puno ng memoryang vlog ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez at Lincoln Velasquez,…

2 days ago

Cong TV Reunites with a Familiar Face from ‘ISTASYON’ to Spice Up an Ad Jingle

Muling binalikan ni Cong TV ang isa sa mga nakasalamuha niya sa kanyang ‘ISTASYON’ vlog…

2 days ago

This website uses cookies.