Unang Tea Talk Acoustic Night sa Molino, Cavite, Success!

Sulit at super enjoy!

‘Yan ang bukambibig ng mga Viviys at Team Payaman fans na dumalo sa kauna-unahang Acoustic Night session na  handog ng Tea Talk Franchised by Viy Cortez

Noong nakaraang Sabado, ika-7 ng Mayo, hinarana nina Team Payaman members Yow at Kevin Hermosada ang mga customers sa Molino, Cavite branch ng Tea Talk. 

Bukod kina Yow at Kevin, present din ang ilang Team Payaman members gaya nina Pat Velasquez-Gaspar, Boss Keng, Venice Velasquez, Kha-Kha Villes, Eve Marie Castro, Kevin Hufana at Tin Piamonte. 

Syempre hindi naman pinalampas ni VIYLine Group of Companies CEO Viy Cortez ang nasabing okasyon na naki-jam kasama ang kanyang furr baby na si Cheesecake. Present din ang ever-supportive sister nitong si Ivy Cortez-Ragos na syang namumuno sa Tea Talk branches sa San Pedro, Laguna, Cavite, at Paranaque.

Dinayo ng mga customers mula sa iba’t-ibang lugar naturang event. Katunayan mayroon pang mga customers all the way from Pampanga! Wow!

Comedy na may konting jamming

Unang sumalang sa kantahan si Vrodie Kevin kasama ang kanyang bandang “Libre.” Hinarana nila ang mga customer ng iba’t-ibang awitin kaya ng “Ordinary People” ni John Legend. 

Pinamalas rin ng grupo ang ilan sa kanilang mga original song gaya ng “Tulog” at “Sana,” na ayon kay Kevin ay malapit ng mapakinggan sa Spotify.

Sunod namang napanood ng Tea Talk customers ang nag-iisang “Content Material” na si Yow a.k.a Waldo. Yow performed some of the most requested acoustic songs like “Ako’y Sa’yo, Ika’y Sakin,” “Sila,” at “With A Smile.”

Kinanta rin ni Yow ang ilan sa original songs ng kanyang bandang “Yno” gaya ng “Anong Nangyari” at “Hangin.”

Pero syempre hindi natapos ang gabi ng hindi nailalabas ni Yow ang kanyang natural na kakulitan tulad ng mga nakikita natin sa Team Payaman vlogs. 

“Order pa kayo para yumaman lalo si Viy,” biro ni Yow sa mga customers.  

“Kasi kailangan ni Viy ng pampa-anak, kasi independent woman yan, walang asawa, single mom. Kailangan suportahan natin lahat ng business nya. Kasi may pumapasok minsan sa bahay, akyat bahay ba yon? Kapitbahay? Kababayan lang ata eh!”

Tea Talk Acoustic Night Schedule

Gusto nyo rin bang maki-jam kina Yow at Kevin? Don’t worry kasi may pagkakataon pa kayong makita at mapanood sila!

Catch Yow and Kevin and get the chance to meet other Team Payaman members on Saturday, May 14, 2022 sa Pacita, San Pedro, Laguna branch at sa Molino, Cavite branch ulit sa May 21, 2022.

Join the next Tea Talk Acoustic Night when you order “Yow Bundle” for PHP 474. Bukod sa ticket sa naturang event, ang nasabing meal bundle ay may kasama naring Buffalo Wings, Fries at Tea Talk Milk Tea para sa isang tao. 

Ano pang hinihintay nyo? Sugod na sa Tea Talk Franchised by Viy Cortez Pacita at Molino branch and reserve your tickets now! See you on the next Acoustic Night, mga kapitbahay!

Kath Regio

Recent Posts

Yow Looks Back at Team Payaman’s Star Magic All Star Games Experience

Hindi lang basketball skills ang hatid nina Yow at Cong TV, kung hindi pati good…

3 hours ago

Team Cortez, The Aguinaldos, and D’ Anicetos Go On a Fun Amusement Park Experience

Isang masaya at kwelang vlog collaboration ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang bagong YouTube…

1 day ago

Team Payaman Girls Channel ‘Girlhood’ Vibes in Their Vietnam TikTok Entries

Naghatid ng girlhood energy ang Team Payaman Girls sa kanilang TikTok entry serye mula sa…

4 days ago

CHINstituents Unite: Chino Liu Introduces ‘Kags, Help!’ Podcast

Reklamo? Suhestiyon? Problema? Sagot na ‘yan ni Chino Liu sa kanyang bagong ‘Kags, Help!’ podcast…

4 days ago

Netizens Giggle Over Tokyo and Kidlat’s Cinderella-Inspired Milestone Shoot

Bilang selebrasyon ng ika-apat na buwan ng bunsong anak nina Cong TV at Viy Cortez-Velasquez…

4 days ago

Team Velasquez-Gaspar Celebrates Isla Boy’s Intimate Second Birthday

Sa pinakabagong vlog ni Pat Velasquez-Gaspar, ibinahagi niya ang isang simple ngunit puno ng saya…

5 days ago

This website uses cookies.