THE WHO: Team Payaman Member, Pinagsasampal ng Isang Veteran Actress?

Sinetch itey na kilalang Team Payaman vlogger na nakatikim ng not just one, not two, but anim na mag-asawa, mag-tito, mag-tita, at mag kapitbahay pang sampal mula sa the one and only Diamond Star, Ms. Maricel Soriano?

Naintriga ka rin ba? Samahan ang VIYLine Media Group (VMG) at iispluk namin ang latest chika sa sampalan ng taon!

Apply Ako Work Iih!

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na bukod sa vlogging at paggawa ng musika, Team Payaman’s OG content material has also ventured into acting. 

In a recent vlog, Anthony Jay Andrada, popularly knowns as Yoh shared the latest update sa kaniyang #ApplyAkoWorkdEhSeries vlog. 

Yoh has been sharing some behind-the-scenes clips of his role as “Taong Bayan 6” in the comedy program “Quizon CT.” The show airs every Sunday at 8 p.m on Net 25.

Sa nasabing program, katrabaho ni Yoh ang ilan sa mga bigating comedy actors sa bansa gaya nina Eric Quizon, Epi Quizon, Vandolph Quizon, Berwin Meily, Gary Lim, at iba pa. 

Dahil sa kagustuhan at pangarap na maging isang actor, Yoh has finally been living his dreams to showcase his acting skills in front of the camera.  

Samplan ng Taon!

Sa latest update ng kaniyang #ApplyAkoWorkEhSeries, ibinihagi ni Yoh ang isa na namang araw ng pakikipag kulitan sa kanyang Quizon CT co-stars. 

But this time, nakasama ni Yoh ang isa sa mga beterana at award-winning actress na talaga namang tinitingala sa industriya, ang nag-iisang Maricel Soriano.

Habang tila nagpapahinga ang buong cast and crew, sinamantala ni Yoh ang pagkakataon lapitan si Miss Maricel para itanong ang kanyang golden question sa lahat ng cast. 

“Ano pong nararamdaman nyo na sa wakas, naka-eksena nyo na ko bilang Taong Bayan 6?”

Gaya ng iba, napa hagalpak sa tawa si Miss Maricel sa tanong ni Yoh. Pero bago pa man makasagot ang Diamond Star, bumanat na si Direk Epi Quizon ng: “Yung Taong Bayan 6, six times sasampalin ni Maricel Soriano! Praktisin natin!”

Walang patumpik-tumpik na binigyan ng sample sampal ni Inang Maria si Yoh! Binigyan nya ang vlogger ng not just one, but six acting slap combination!

Tila naging acting lesson ang ginawang pagsampal ni Maricel Soriano kay Yoh. Binigyan nya pa ng kategorya ang bawat isang sampal. 

Una ay ang “Komedyang Sampal” na tila pahapyaw lang. Sinundan ng “Segundang Komedyang Sampal,” “Terserang Komedyang Sampal,” “Quintang Komedyang Sampal,” at ng “Punyet*ng Komedyang Sampal.”

At syempre ang pinaka-matindi sa lahat, ang “Bumentang Komedyang Sampal” o ang sampla na hindi mo alam kung saan nanggaling! 

Tiyak na isang karangalan para kay Yoh na pagsasampalin ng nag-iisang Diamond Star! LOL!

Panoorin ang laughtrip na eksena dito:  


For more latest chika and real-time updates sa VIYLine Group of Companies and Team Payaman, make sure na i-follow ang VIYLine Media Group’s official Instagram, Facebook, and Twitter accounts.

viyline.net

Recent Posts

Viyline and SMX Join Forces for TP Kids Fair and Team Payaman Fair 2026

The Viyline Group of Companies (VGC) is officially ready for a huge 2026. In a…

24 hours ago

Team Payaman’s Kevin Hermosada Drops New Single, ‘Disney’

Kamakailan, opisyal nang inilabas ng singer-songwriter at content creator na si Kevin Hermosada ang kanyang…

1 day ago

Pat Velasquez-Gaspar Explores Ocean Park Hong Kong’s Sanrio Activation

Isang masaya at hindi malilimutang Ocean Park Hong Kong experience ang hatid ni Pat Velasquez-Gaspar.…

3 days ago

Dudut Lang Shares an Easy French Toast Grilled Cheese Recipe

Muling nagbahagi ng isang simple ngunit makabagong recipe ang Team Payaman cook na si Jaime…

4 days ago

Team Payaman Editors Begin a Shared Journey in Their New Home

Mula sa pagiging kasamahan sa trabaho, ngayon ay magkakasama na sa iisang tirahan ang ilang…

4 days ago

CONTENT WARS: Junnie Boy Teams Up With Burong and Bok Against Boss Keng

Matapos ang unang yugto ng content wars nina Junnie Boy at Boss Keng, isang plano…

4 days ago

This website uses cookies.