Minsan, ang pinakamasakit na karanasan sa pag-ibig ang nagiging inspirasyon para sa paggawa ng isang kanta.
Ito ang mismong nangyari sa latest single ni Awi Columna na pinamagatang “xenxa,” kung saan ang tunay na karanasan at heartbreak ng kanyang matalik na kaibigan at kapwa content creator na si Dudut ang naging pundasyon ng buong awitin.
Nagsimula ang lahat nang magkwento si Dudut tungkol sa kanyang nakaraang relasyon. Sa kabila ng ilang taong pagsasama at ng pait na nalaman niyang may iba na pala ang kanyang minahal, idinaan na lamang ito ni Dudut sa light at chill na pakikipag-usap—na tila ba wala lang at tanggap na niya ang lahat.
Ang ganitong attitude at kapanatagan ng loob sa gitna ng sakit ang pumukaw sa atensyon ni Awi. Sa halip na hayaang maglaho na lang ang kwento, minabuti ni Awi na ilapat ito sa musika at gawing isang tapat na hugot track.
Bagamat masakit ang pinagdaanan dahil sa pagkawala ng dating pagtingin at pag-iwan sa kanya, hindi niya hinayaan na lungkot ang maging tema ng kanta.
Sa halip na magmakaawa o maghabol sa taong nakahanap na ng iba, ang mensahe ng “xenxa” ay nakatuon sa pagpapahalaga sa sarili at pagtanggap sa katotohanan:
“Sensya ka na kung ako ngayo’y kampante
Kahit nawalan ka na ng gana
Sensya ka na, hindi kasi ako
Maghahabol, sinta”
Ipinapakita ng mga linyang ito na kapag nawala na ang gana ng kabila at napalitan na ng iba, mas maigi pang bitawan na lang ito nang may dignidad.
Ang salitang “xenxa” ay nagsisilbing mensahe ng pagpapaalam sa taong dumaan sa iyong buhay.
Dahil sa swabe nitong melody at relatable na mensahe, mabilis na kinagiliwan ng mga tagapakinig ang kolaborasyong ito ng emosyon at sining.
Ipinapaalala ng kanta na sa bawat pagtatapos ng isang kwento ng pag-ibig, ang pinakamagandang hakbang ay ang manatiling buo at kampante sa sarili. Mapapakinggan na ang “xenxa” sa Spotify, Apple Music, at YouTube.
Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…
Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…
Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…
Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…
Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…
As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…
This website uses cookies.