Vien Iligan-Velasquez Shares Mavi and Viela’s Back-to-School Preparations

Isang relatable na mommy moment ang ibinahagi ni Vien Iligan-Velasquez sa kanyang latest vlog nang ipakita niya ang paghahanda nina Mavi at Viela para sa nalalapit na pagbabalik-eskuwela.

Mula sa pag-aasikaso ng school ID at uniform hanggang sa pamimili ng mga gamit sa paaralan, ibinahagi ni Vien ang ilan sa mga hakbang na kanilang ginawa upang matiyak na handa ang magkapatid para sa panibagong school year.

‘First Day of School’

Sa unang bahagi ng vlog, nagtungo ang pamilya sa paaralan upang asikasuhin ang school ID at pagsukat ng mga uniform nina Mavi at Viela. 

Personal na tinulungan ni Mommy Vien at Daddy Junnie ang kanilang mga anak sa bawat hakbang, kabilang ang pagsasaayos ng postura ni Viela para sa school ID picture at pagpili ng tamang sukat ng kanilang mga kasuotan.

Ayon kay Vien, nais niyang maasikaso muna ang lahat ng kailangan ng kanyang mga anak bago ang kanyang muling pagbiyahe sa Vietnam.

Bukod sa pagpapakita ng kanilang back-to-school preparations, nagbahagi rin si Vien ng paalala tungkol sa kahalagahan ng pagiging handa sa responsibilidad ng pagpapalaki ng anak, lalo na pagdating sa edukasyon at gastusin na kaakibat nito.

“Huwag kayong mag-aanak kung hindi kayo ready. Ayun ang sasabihin ko sa inyo. Kailangan ready financial. Ready ang edukasyon,” ani Mommy Vien.

Kasunod ng uniform fitting at enrollment, nagtungo naman ang pamilya sa isang mall upang bumili ng mga kakailanganin ng magkapatid para sa bagong school year. Kabilang dito ang school shoes, medyas, at iba pang school supplies.

Sa pagtatapos ng vlog, ibinahagi rin ang first day of school nina Mavi at Viela. Matapos silang ihatid sa paaralan, muling nasilayan ng mga manonood ang magkapatid nang sunduin sila pagkatapos ng klase.

Nang tanungin si Viela kung masaya siya sa kanyang naging karanasan sa eskuwela, agad itong ngumiti at nagbigay ng thumbs up, na tila patunay na naging maganda ang kanyang unang araw sa paaralan.

Netizens’ Comments

Samantala, maraming netizens ang nagpahayag ng suporta at pagbati para kina Mavi at Viela sa nalalapit nilang pagbabalik-eskuwela.

@judyannsamorin8357: “One of the reasons why I don’t hate Vien is because of how good of a mom she is! Ang lalaki na ng online pamangkins ko.”

@joannalexis16: “Awwww, our Vielaboo is a school girl na. Bilis lang ng panahon.”

@YanJKGOLDEN: “Yehey, new vlog! Wishing you two the best this new school year!”

Watch the full vlog below:

Angelica Sarte

Recent Posts

Cong TV and Junnie Boy Share Fatherhood Advice with Kevin Hermosada

Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…

1 day ago

REVERSE SURPRISE: Team Payaman Wild Dogs Surprise Dudut Lang with an Unexpected Guest

Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…

3 days ago

Rolling Into the Spotlight: How Viyline’s Mobile Billboard Builds Excitement for Team Payaman Fair 2026

As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…

4 days ago

Celebrate Cong TV’s Birthday With Team PYMN Clothing’s Newest ‘Lincoln Club Collection’

Team Payaman Fans, get ready for another exciting streetwear drop! Cong TV’s apparel brand, Team…

5 days ago

Team Payaman’s PAAWER Couple CongViy Battles Celebrity Loveteam JoshLia in ‘Kusina Wars’

Isang nakakakilig na episode ang hatid ni Viy Cortez-Velasquez sa kanyang “Kusina Wars” vlog matapos…

5 days ago

Viy Cortez-Velasquez Takes House Angels To A Delicious Food Adventure With Kidlat and Tokyo

Isang masayang food adventure ang hatid ni Mommy Viy Cortez-Velasquez kasama ang mga house angels…

5 days ago

This website uses cookies.