Walang hanggang katatawanan ang hatid nina Viy Cortez-Velasquez, Rana Harake, Jelai Andres, at Sachzna Laparan sa kanilang latest vlog collab.
Tunghayan ang mga nakakatuwang tagpo sa ‘Palengke’ vlog ng grupong RaLaiNa kasama si Viviys.
Sa kanyang bagong vlog, hatid ngayon ng social media star na si Jelai Andres ang isang kwelang vlog collab kasama sina Rana, Sachzna, at Viy.
Sa simula ng vlog, nagpakilala bilang mga tindera ang trio nina Rana, Jelai, at Sachzna, o mas kilala bilang RaLaiNa.
Sa kabilang banda, si Viviys naman ang gumanap bilang may-ari ng tindahan na pinangalanan nilang si ‘Ate Beh.’
Dahil naghahanap ng pagkakakitaan ang grupo ng RaLaiNa, naisipan nilang mamasukan sa munting tindahan ni Ate Beh.
“Yes, may trabaho na tayo!” pasasalamat ni Jelai.
Isa sa kanilang mga naging dagok ay ang kasungitang taglay ni Ate Beh.
“San ba kayo nanggaling?!” tanong ni Viy.
“Sorry po! Nag-ano po kami, nag-blush on lang,” pabirong sagot ni Jelai.
“Kakaloka ‘tong mga ‘to!” sagot muli ni Viviys.
Maya-maya pa ay nagsimula nang magtinda ang RaLaiNa. Una muna silang sinabak sa training ni Ate Beh.
Kaliwa’t kanan na mga customers ang sunod na pumunta sa tindahan ni Ate Beh na siyang taas noong pinagsilbihan ng RaLaiNa.
Sa huli, napilitan sisantihin ni Ate Beh ang tatlo dahil sa hindi maganda nitong performance.
Samantala, marami ang nagpahatid ng kanilang mga nakakatawang komento matapos mapanood ang kanilang vlog collab.
@virtuallei938: “Si madam Viy ganap na ganap, very natural ang acting.”
@JennyDelgado-x4p1k: “Basta nag sama sama tong mga to sumasakit talaga tyan ko HAHAHAHAHHAHAH”
@rickylibacao8312: “Hahahaha, bagay kontrabida si Viy! Aliw talaga sa trio na ‘to!”
@djsfam08: “HAHAHAHA SANA MAY PART 2 TO PAMPAWALA TALAGA KAYO NG STRESSSSS! ABANGAN KO PART 2 JELAI TAPOS SA NAG TITINDA KAYO NG ISDA!”
@Letteryuu4: “Lt talaga si Kojic Girl, a.k.a Jelai!”
Watch the full vlog below:
Isang simpleng family trip sa Japan ang naging pagkakataon ng Team Payaman mom na si…
Isang masayang pagbabalik-tanaw sa kabataan at mga kwentong puno ng tawanan ang hatid ng bagong…
Mas pinainit ang pinakabagong episode ng Galit-Galitan Podcast ng social media personality na si JB…
Bago isalang ang kanyang Baby Austin, sumangguni ang soon-to-be daddy na si Kevin Hermosada kina…
Isang hindi inaasahang surprise guest ang bumulaga sa Team Payaman member na si Dudut Lang…
As Viyline and Team Payaman Fair 2026: VIYond the Beat take the spotlight, a moving…
This website uses cookies.